Antoinette Jadaone frustrated by delay in JaDine movie, says boyfriend Dan Villegas

IMAGE Noel Orsal / Dan Villegas Instagram

Direk Dan Villegas (right photo, with Antoinette Jadaone) was asked how he felt about talk that James Reid (left photo, with girlfriend Nadine Lustre) was unable to come to the set ostensibly because of a hangover. He answered that it depended on the context of the star's absence. This would be acceptable, he said, if: "Nagpakalasing ka the night before, pumarty ka, the next day, dumating ka on time, nag-work ka, nag-deliver ka."


Nagsalita ang direktor na si Dan Villegas tungkol sa blogpost ng girlfriend niya at kapwa-direktor na si Antoinette 'Tonet' Jadaone nitong Lunes, January 15.

Sa blogpost ni Direk Tonet na may titulong "Anti-climactic," inihayag nito ang panghihinayang sa madalas na pagkakaantala ng shooting ng pelikula niyang Never Not Love You.

Bida sa pelikula ang reel- at real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre.

Ayon kay Direk Tonet, “Filming for #foolishmovie is becoming erratic. Sayang, andun na ang momentum eh.

“More and more shooting days cancelled – some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry.

"Or maybe I am just being overly dramatic, or that’s just really how I value pelikula.”

Ang orihinal na title ng pelikula ay Five Years Later, na naging Here’s To The Fools, hanggang sa nauwi sa final title na Never Not Love You.

Nalaman kaagad ng netizens na ito ang pelikula ng JaDine dahil sa hashtag na ginamit ni Direk Tonet—#foolishmovie.

Bunsod nito, nagkaroon ng iba't ibang espekulasyon tungkol sa pagkakaantala ng pelikula, partikular na sa shooting nila dapat noong Sabado, January 13.

Ayon sa impormasyong nakalap ng ilang netizens sa social media, nagkasakit si Nadine, habang nalasing naman daw si James nung Biyernes ng gabi, January 12, kaya parehong hindi nakasipot sa shooting ng pelikula kinabukasan.


Stories We Are Tracking

Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?
Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?

Ngayong Huwebes ng tanghali, January 18, nakapanayam ng ilang entertainment reporters si Direk Dan Villegas sa presscon ng bago niyang pelikula, ang Changing Partners, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Dito ay inusisa siya tungkol sa reaksiyon niya sa blog post ng kasintahang si Direk Tonet.

Ang video ng interview kay Direk Dan ay na-post sa YouTube channel ng entertainment columnist na si Roldan Castro.

Pahayag ng writer-director, “Sabi ko kay Tonet, 'Sana di mo pinost. E, ganyan napi-feel mo, e, okay lang.'

“Siyempre din, imagine niyo din yung pressure for a director, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ng press: mahirap bang tanggapin para sa isang direktor ang mga ganitong dahilan ng kanilang mga artista, gaya ng pagkakasakit o pagkakalasing?

Saad ni Direk Dan, “Depende kasi sa konteksto, e.

"Hindi naman sa artista, halimbawa, kung gusto mo mag-enjoy the night before, the next day work ka, pero kaya mo dalhin, who am I to judge you?

“Di ba? Nagpakalasing ka the night before, pumarty ka, the next day, dumating ka on time, nag-work ka, nag-deliver ka.

“And I’m not even saying being an actor, ha, or being a cameraman, production designer... I don’t care about your life outside, di ba?

“Trabaho ‘to at the end of the day. Pero, you deliver.

“Gusto ko man kayo bigyan ng magandang ano [sagot], kasi ayoko mag-judge.

“Ayoko yung… poisoning the well, e, di ba?”

FRUSTRATED. Inamin ni Direk Dan na napu-frustrate nang husto si Direk Tonet sa nangyayaring aberya sa shooting ng Never Not Love You.

“She’s very frustrated, yes. Yung frustrations niya, meron. And I stand with her.”

Magkakaroon daw sila ng meeting mamayang gabi tungkol sa pelikula.

Umaasa naman daw siyang matutuloy pa rin ang pelikula kahit may problema sa kalusugan si Nadine.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre hints at reason for cancelled shooting
Nadine Lustre hints at reason for cancelled shooting

Ayon kay Direk Dan, “I’m hoping. Or if masama ang pakiramdam niya, sabihin na.

"Kasi nagkakasa na kami. So, ayun."

Marami na raw nakunang eksena sina James at Nadine kaya nakakapanghinayang kung hindi matutuloy ang movie.

“Oo, nakita ko na yung edit, e. Kaya nga mas nakakapanghinayang.

"Kapag pinapanood mo kasi, I’m happy for Tonet, yung effort niya dito, di ba?

"Kaya mas napi-feel ko yung frustrations niya."

Sa Twitter, umaapela ang JaDine fans kay Direk Tonet na huwag mag-give up sa kanilang mga idolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN