Dan Villegas on Tonet Jadaone's post about delayed shoots of JaDine movie: "Right niyang mapikon."

IMAGE Noel Orsal

Director Dan Villegas airs his support for fellow director and girlfriend Antoinette Jadaone, who recently took to social media to air her frustration with the delays in the filming of her movie starring James Reid and Nadine Lustre. 


Suportado ng TV and film director na si Dan Villegas ang kapwa direktor at kasintahang si Antoinette “Tonet” Jadaone sa hinaing nito tungkol sa pagkaantala ng ginagawang pelikula.  

“I support her not only as her boyfriend, but also as a director, kasi nag-angst lang naman yung tao," Dan said.

“Kahit sinong director, sabi ko nga, nagsi-sync kayo ng cast mo, ng staff mo, tapos biglang tumigil yun. Mali talaga.”

Nagpahayag si Direk Dan ng kanyang suporta kay Direk Tonet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa farewell presscon ng Ikaw Lang Ang Iibigin, nitong Huwebes, January 18.

Si Dan ang direktor ng daytime teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Coleen Garcia, at Jake Cuenca.

Siya rin ang prodyuser ng pelikulang idinidirek ni Tonet, ang Never Not Love You, na pinagbibidahan naman nina James Reid at Nadine Lustre.

Si Tonet din ang naging direktor ng dalawang teleserye ng JaDine sa Kapamilya network: On The Wings of Love (2015) at Till I Met You (2016).

Nitong Lunes, January 15, naglabas ng sama ng loob si Direk Tonet, via social media at sa kanyang blog, dahil sa pagkakaantala ng shooting ng Never Not Love You.

Hindi direktang tinukoy ni Direk Tonet kung ano at sino ang dahilan ng pagkakaunsyami ng pelikula, kaya’t naglabasan ang mga espekulasyon sa sanhi ng delay.

Kinumpirma ni Nadine via social media na nagkasakit siya noong January 12, Biyernes, dahilan kaya hindi siya nakasipot sa shooting nila kinabukasan, January 13, Sabado.

May mga bali-balita ring hindi nakasipot si James sa shooting noong Sabado dahil sa sobrang kalasingan diumano nito.

Sa post ni Direk Tonet, naibulalas nito ang frustration dahil nasisira ang momentum para matapos ang pelikula.  


Stories We Are Tracking

Tonet Jadaone frustrated by delay in JaDine movie, says BF
Tonet Jadaone frustrated by delay in JaDine movie, says BF
Fans appeal to Direk Tonet not to give up on JaDine movie
Fans appeal to Direk Tonet not to give up on JaDine movie

Inusisa si Dan tungkol sa JaDine na nasa gitna ngayon ng kontrobersiya.

“Ang hirap, e, what do I say?” paiwas na sagot ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala. Sabi ko, I support Tonet. At the end of the day, right niyang mapikon, di ba?

“Kung ako din ang direktor niyan, baka… I don’t angst on social media.

"Magkaiba kami ng way to release stress, pero nawala yung buwelo ng director."

Hiningan ng update si Dan tungkol sa pelikula ng JaDine na idinidirek ni Tonet.

Sagot ng direktor, magkakaroon muna sila ng meeting kahapon o kaya ay ngayong Biyernes, January 19.

“So, yun ang only update na ibibigay [ko].”

ON FAME. Natanong din kay Dan kung ano ang pakiramdam niya sa natatamong katanyagan bilang direktor.

Ilan sa mga nakilalang proyekto ng cinematographer/director/producer ay ang English Only, Please (2014), The Breakup Playlist (2015), Walang Forever (2015), Always Be My Maybe (2016), How To Be Yours (2016), at All of You (2017).

Saad niya, “Honestly, hindi ko siya iniisip. Nagpapasalamat ako.

“Siguro I’m also thankful na I’ve worked with people na palaging pinupukpok sa ulo ko na huwag kang magkaka-ego, huwag mong iisipin ‘yan.”

Ito raw ang turo sa kanya ng kanyang mentor—ang namayapang batikang direktor na si Marilou Diaz-Abaya.

“She was my teacher, she was my mentor.

“First day of class niya, sasabihin niya, ‘Leave your ego at the door. Walang room yung yabang mo dito.’”

Nakatrabaho na rin daw niya ang mga mahuhusay na direktor, kagaya nina Cathy Garcia-Molina, Mae Cruz-Alviar, at Olivia Lamasan na mga walang ere.

“Mga naka-work, walang yabang. Anong karapatan ko? Ganun ko siya iniisip.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN