No marriage talks yet for Gerald Anderson and Bea Alonzo

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson says he and girlfriend Bea Alonzo are not pressuring themselves to settle down anytime soon. 


Nilinaw ni Gerald Anderson ang kanyang pahayag na malapit na siya sa posibilidad na lumagay sa tahimik.

Sa episode ng Magandang Buhay noong January 17, kinunan ng reaksiyon si Gerald hinggil sa prediction sa kanya ng isang feng shui expert na posibleng ikasal at magkaanak siya ngayong 2018. 

Sagot ng 28-year-old Kapamilya actor, "Nandun na ‘ko sa stage na ganun." 

Napababalitang karelasyon ngayon ni Gerald ang aktres na si Bea Alonzo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kay Gerald sa finale presscon ng daytime series na Ikaw Lang Ang Iibigin kagabi, January 18, nilinaw niya ang naunang pahayag tungkol sa pagpapakasal.

Saad niya, “Mas malapit na siyempre dun, sa edad ko, siyempre kahit papa'no, mas mature [na ako], ganun.

“Siyempre mas malapit na ako dun sa ‘Kailan ka ba magpapakasal?’

“Kesa sa nung 20 years old ako, tinatanong niyo ako tungkol diyan, siyempre parang, ‘Hindi. Grabe po. Malayo pa ‘yan.’

“Pero siyempre, mas malapit na ako dun, mas malapit na ako dun as a person na rin.”

Dugtong ni Gerald, “Sinabi ko naman dun na kapag naramdaman ko na, hindi naman ako mag-aalangan, kapag naramdaman ko, yun na ‘yon.

“Yun ang ibig kong sabihin—mas malapit na ako dun.”

September 2016 nang aminin ni Bea na muli silang nagdi-date ni Gerald.

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa pagpapakasal?

Mabilis na tugon ng Kapamilya actor, “Wala, wala. Hindi siya yung ano, e…

“Sabi ko, pag naramdaman ko lang, pag naramdaman ko na, oras na para gawin na.

“But, hindi pa naman. Hindi pa.

“It’s still very fresh, and ini-enjoy lang, ini-enjoy ko. It’s no pressure at all.”

Ngayong taon ay nakatakdang gumawa ng pelikula at teleserye si Gerald, habang nakatakdang gumawa ng tatlong pelikula si Bea.

Ayon kay Gerald, “You know, priorities pa rin is yung career namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bata pa kami, e. Bata pa. Marami pa kaming gustong gawin.

“It will be very selfish to ourselves, to our family, ganun, kung… hindi pa naman.”

Samantala, nakatakdang magtapos ang Ikaw Lang Ang Iibigin ng Dreamscape Entertainment sa susunod na linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN