Ex-Battalion embroiled in copyright issue over monster hit "Hayaan Mo Sila"

IMAGE Jojo Gabinete

Hip-hop group Ex-Battalion (in photo, with Ai-Ai delas Alas) is facing a dilemma over their hit song, "Hayaan Mo Sila."


Four thousand US dollars o mahigit P200,000 ang sinisingil sa Ex-Battalion ng creator ng beat na ginamit sa kanilang monster hit song na "Hayaan Mo Sila."

Ang Ex-Battalion ay ang hip-hop group na binubuo nina BOSX1NE (Mark Maglasang), Emcee Rhenn (Rhenn Mangabang), Skusta Clee (Daryl Ruiz), at Flow-G (Archie dela Cruz).

Ang creator ng beat ng "Hayaan Mo Sila" ay isang Russian guy na nagngangalang Diamond Style.

Hindi na napapanood sa YouTube ang video ng "Hayaan Mo Sila" dahil kailangan munang bayaran ng Ex-Battalion ang pera na sinisingil ni Diamond Style.

Ayon kay BOSX1NE, “Ang pagkakamali po namin,lease lang ng beat ang binayaran namin kay Diamond Style, hindi ýung full rights.

“Ýun ang beat na ginamit namin sa 'Hayaan Mo Sila.'

"Nagbayad kami sa kanya ng 200 dollars para sa lease ng beat.

"Tapos nung nakita niya na may 23 million hits ýung 'Hayaan Mo Sila,' sinisingil niya kami ng 200,000 thousand, kaya tinanggal sa YouTube ang music video namin.

"Ýung mga napapanood sa Facebook, puro re-upload na lang."

Popular na popular ngayon sa mga kabataan ang "Hayaan Mo Sila."

Isinasayaw nga ito ng Hashtags sa It's Showtime at memoryado ng main host ng programa na si Vice Ganda.

Sabi ni Flow-G tungkol sa dilemma nila, "Hindi namin akalain na puputok ýung 'Hayaan Mo Sila.'

"Wala pang dalawang buwan, nagkaroon agad siya ng 23 million hits.

"Lease lang ang binayaran namin kasi hindi namin alam kung makakabawi kami. Binayaran namin ýung lease para sa 250,000 views lang.

"Wala kasing gumagawa sa Pilipinas ng beat na ganoon.

"Iba naman ýung mga tugtog namin kaya sa ibang bansa kami nagli-lease ng beat. Magagaling sila."

AI-AI'S SONG. Ang Ex-Battalion ang composer ng "Walang Pinipili," ang single ni Ai-Ai delas Alas sa GMA Records.

Na-pirate ang kanta kaya mas marami itong hits kumpara sa mga binibili at dina-download mula sa legitimate digital music services.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinanap ni Ai-Ai noong 2017 ang Ex-Battalion dahil isang kaibigan ang nagsabi sa kanyang magaling at sikat ang grupo kaya dapat magkaroon sila ng collaboration.

Hindi makapaniwala ang mga miyembro ng Ex-Battalion na magiging interesado sa kanila si Ai-Ai, na agad nilang iginawa ng kanta—ang "Walang Pinipili."

Si Ai-Ai ang itinuturing na fairy godmother ng Ex-Battalion dahil tinutulungan sila ng Comedy Queen na maka-penetrate sa mainstream.

Sa February 17, magkakaroon ng concert ang Ex-Battalion sa Zirkoh Comedy Bar sa Quezon City, at special guest nila si Ai-Ai na producer din ng show.

Ipagdiriwang ng Ex-Battalion sa June 2018 ang 6th anniversary nila kaya isang major concert ang pinaplano ni Ai-Ai para sa kanila.

Hindi makapaniwala ang mga miyembro ng Ex-Battalion na sisikat nang husto ang kanilang mga kanta at magiging popular sila sa masa, lalo na sa mga kabataan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN