Nadine Lustre reveals her health problems caused movie shoot delay

IMAGE Instagram @vivaartistsagency

Nadine Lustre reacts to director Antoinette Jadaone's frustration over delayed shooting of Never Not Love You, her movie with real-life boyfriend James Reid.


Inamin ni Nadine Lustre na ang kanyang madalas na pagkakasakit ang dahilan ng delay sa shooting ng pelikula nila ni James Reid na Never Not Love You.

Ayon sa aktres, napag-alaman niya mula sa kanyang doktor na mayroon siyang inverted cervical curve, bukod sa kanyang scoliosis.

Ang inverted cervical curve, ayon sa posturepump.com, ay tumutukoy sa hindi normal na kurba ng leeg na posibleng maging sanhi ng chronic neck pain, headaches, at iba pang medical condition.

Ang scoliosis naman ay tumutukoy sa balikong kurba ng spinal column na posibleng magsanhi ng chronic back pain.

Pahayag ni Nadine sa panayam ng TV host na si Boy Abunda, “Last week, nung weekend kasi na yun before that, I started getting sick—fever, headache, and body pain.

“And then later, we found out that I have an inverted cervical curve, which means my neck, instead of going out, it goes in.

“And then I also have scoliosis which causes the headache, the fever, lahat, Tito Boy. Super sakit siya.”  

Sabay na nakapanayam ang reel-at-real-life couple na sina Nadine at James sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, Biyernes ng gabi, January 19.

Dito nilinaw ni Nadine na tuloy pa rin ang pelikula nila ni James.

Ito ay sa kabila ng lubos na pagkabahala ng Never Not Love You director na si Antoinette "Tonet" Jadaone sa makailang-beses na pagkaantala ng kanilang shooting.

Ano ang reaksiyon nina James at Nadine sa sentimiyento ni Direk Tonet sa nabibinbin nilang proyekto?

Sagot ni Nadine, “I guess, because the shoot has been pushed back and pushed back...”

Sa puntong ito, nabanggit ng aktres na kanyang sakit ang naging sanhi ng delay sa shooting.

Hindi na nagbigay ng karagdagang komento si James hinggil sa isyu.

DIREK TONET'S BLOG POST. January 13, Sabado, nang unang mag-post sa Twitter si Direk Tonet tungkol sa biglaang pagkansela sa dapat sana'y shooting nila noong araw na iyon, sa hindi malamang dahilan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan ito ng blog post ni Direk Tonet noong January  15, kung saan sinabi niyang “worried” siya sa “erratic” shooting schedule ng kanyang latest film project na tinawag niya sa hashtag na #foolishmovie.

Hindi man direktang pinangalanan ni Direk Tonet, napagtagni-tagni ng netizens na ito ang pelikula ng JaDine.

Ang orihinal na title ng pelikula ay Five Years Later, na naging Here’s To The Fools, hanggang sa nauwi sa final title na Never Not Love You.

Sabi pa rito ni Direk Tonet, “Sayang, andun na ang momentum eh.

“More and more shooting days cancelled – some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry.”

NETIZENS' SPECULATIONS. Nasundan ito ng iba’t ibang espekulasyon ng netizens tungkol sa pagkakaantala ng shooting ng pelikula, partikular na sa biglaang pagkansela sa shooting nila noong January 13.

May ilang netizens na nagsabing ang “sobrang kalasingan” diumano ni James ang dahilan kung bakit hindi ito nakasipot sa shooting.

May nagsabi namang nagkasakit si Nadine kaya hindi ito nakarating sa shooting.

Ngunit hindi na nagbigay ng reaksiyon si Direk Tonet hinggil dito.

January 16 at 17 naman nang magpahiwatig si Nadine tungkol sa kanyang health issues sa pamamagitan ng pagbahagi ng X-ray ng spinal column niya sa Instagram.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre hints at reason for cancelled shooting
Nadine Lustre hints at reason for cancelled shooting
Fans appeal to Direk Tonet not to give up on JaDine movie
Fans appeal to Direk Tonet not to give up on JaDine movie
Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?
Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?

DIREK DAN'S TAKE. Sa presscon ng pelikulang Changing Partners noong Huwebes, January 18, nahingan ng reaksiyon ang boyfriend ni Direk Tonet na si Dan Villegas tungkol sa espekulasyong naglasing si James noong gabi bago ang dapat sana’y shooting day ng Never Not Love You.

Ngunit ang tanging kinumpirma ni Direk Dan ay “frustrated” si Direk Tonet sa pagkakaantala sa shooting ng pelikula, at bilang isa ring direktor ay naiintindihan niya kung bakit lubos na nababahala ang nobya.

Kung anu’t ano man, naniniwala raw si Direk Dan na hindi isyu ang pagkakasakit o pagpa-party ng isang artista o sinumang staff sa isang film production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mahalaga raw ay makapag-deliver ng kung anuman ang requirement sa kanila.


Stories We Are Tracking

Tonet Jadaone frustrated by delay in JaDine movie, says BF
Tonet Jadaone frustrated by delay in JaDine movie, says BF
Dan Villegas sympathizes with Tonet Jadaone on JaDine movie
Dan Villegas sympathizes with Tonet Jadaone on JaDine movie


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN