Rico J. Puno gets a clean bill of health after surviving three heart surgeries

IMAGE Noel Orsal

Okay na raw ang kalusugan ng music legend na si Rico J. Puno matapos niyang sumailalim sa tatlong heart surgeries. Kaya naman, balik na muli sa concert stage ang 70's music icon.


“Okay na okay.”

Ito ang deklarasyon ng OPM legend na si Rico J. Puno matapos niyang mapagtagumpayan ang tatlong heart surgeries nitong mga nakaraang taon.

Noong 2015, sumailalim ang music icon sa open heart surgery matapos itong atakehin sa puso.

Nitong December 2, 2017, ay muling nagpa-angioplasty si Rico upang paluwagin ang bara sa mga arteries niya at maging normal ang daloy ng dugo papunta sa kanyang puso.

Kuwento ng 64-year-old singer, “Actually, isa lang yung major [open heart surgery]. Yung angioplasty, twice.

“Pagkatapos ng concert ko nung December 2, yung mga old kasi na procedure, may mga hindi nagawa.

“Ayun in-angioplasty ulit. Ngayon, medyo maluwag na, so okay na.”

Dagdag pa niyang paliwanag, “Okay na, alam niyo kasi yung major, yung open heart [surgery] ay talagang may matitirang kumbaga mga old regime, e, na dati nang tagilid na hindi pa natatanggal, ngayon ina-angioplasty yun.”

Bakit nga ba ang bilis niyang naka-recover sa operasyon niya sa puso?

Tugon ng comedian-singer, “Ngayon, gusto kong sabihin sa mga senior citizen na nanonood, tinatanong kasi, 'Ang bilis mo naman maka-recover.'

“Hindi ho, siguro dahil lang sa energy ng ating trabaho.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rico noong January 18, sa Icon Hotel, Timog, Quezon City, kung saan naganap ang presscon para sa nalalapit nilang Valentine concert na Timeless OPM.

TIMELESS OPM. Bukod kay Rico, kasama rin ang iba pang tinaguriang 70's music icons na sina Rey Valera, Imelda Papin, at Claire dela Fuente.


Gaganapin ang concert sa darating na February 14, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Kuwento pa ni Rico, “Siyempre, kilala kami sa sariling komposisyon, original kami. Puwede namang awitin ng iba pero iba yung ang umaawit ay ang original singer.

“At the same time, nagkaroon na kami ng magandang samahan.”

Masaya naman ang iba pang kasamahan ni Rico na sina Imelda, Claire, at Rey dahil buhay na buhay ulit ngayon ang Original Pilipino Music (OPM).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama ng apat sa konsiyerto ang singer-actress na si Rita Daniella at LA Santos.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN