Billy Crawford still busy finalizing wedding preps

IMAGE Noel Orsal

Billy Crawford reveals latest update on wedding preparations with fianceé Coleen Garcia: "Almost done, it's just the guest list. We're planning din naman to do a reception dito sa Maynila for the industry friends and families."


Marami ang nag-aabang sa nalalapit na wedding nina Billy Crawford at ng kanyang fiancee na si Coleen Garcia na naka-schedule ngayong summer.

Sa pocket presscon ng kanyang contract signing sa Viva Artists Agency ay nagbigay siya ng latest update tungkol dito.

Ginanap ang nasabing pirmahan sa Viva office sa Tektite Building sa Ortigas Center noong January 16.

Pahayag ng bagong Viva talent, "Okey naman yung wedding preparations namin.

"It's a... siguro, reklamo naman ng lahat, magastos!

"But apart from that, medyo mahirap lang yung sa guest list. Yun ang mahirap.

"Siyempre, ayaw naman namin na... well, there's a certain amount lang dun sa mga bisita ng magpapakasal.

"We want to keep it intimate din naman kasi."

Patuloy pa niya, "Well, alam naman ng lahat na this year ako magpapakasal.

"Pero yeah, in this country, sa bayan natin [ang kasal].

"Sa summer? Tingnan natin.

"It's January turning to Feb, malapit-lapit na ang panahon.

"Almost done, it's just the guest list.

"We're planning din naman to do a reception dito sa Maynila for the industry friends and families.

"Kasi, ayaw ko rin namang may masaktan."

Ayon kay Billy, isang non-showbiz friend daw ang kanyang magiging best man.

Pero sinigurado niyang darating si Luis Manzano na isa sa pinaka-closest friends niya sa showbiz.

HONEYMOON. Napag-usapan na ba nila ang tungkol sa honeymoon?

Saad niya, "Yun ang mahirap, kasi meron naman kaming obligasyon dito sa trabaho namin.

"So hindi rin namin... actually, medyo marami-rami pa rin ang ongoing shows, so hindi kami makapasok ng schedule.

"Meron namang honeymoon but we will wait and plan it properly."

BABY PLANS. Ilang anak naman ang gusto nila ni Coleen?

Diretsahang sagot ng Kapamilya singer-TV host, "Hindi ko rin masabi kasi.

"Sa totoo lang, pangarap din ng lahat na magkaroon sila ng boy and girl kaagad, di ba?

"Girl and boy, quota, di ba? Or boy and girl, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Twins agad? Hahaha! Wag niyo naman akong pahirapan agad.

"So we'll try kung ano talaga ang ibibigay sa amin ng Panginoon."

DREAM HOUSE ALMOST DONE. Sa puntong ito ay inalam ng PEP sa kanya kung kumusta rin ang bahay na ipinapatayo niya para sa magiging pamilya nila ni Coleen.

Ani Billy, "Okey naman.

"Hayun, hindi pa rin matapus-tapos dahil medyo busy.

"Medyo kailangang kumayod ng konti dahil sabay-sabay lahat.

"It's not easy. My mom and dad are sick, so I'm pretty much doing everything for them as well."

Pero pipilitin daw niya na matapos ang bahay agad-agad, para pagkatapos ng kasal nila ay doon na sila titira.

Saad ng TV host, "Hopefully, hopefully.

"Alam mo naman sa Pilipinas, puwede namang sabihin na tapos na 'yan, pero after a month and a half later, 'O, matatapos na!' Hahaha!

"Well, sana nga, really."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN