Marian Rivera promises to focus on daughter Zia after Super Ma'am stint

IMAGE GMA-7

Marian Rivera reveals "resolutions" for 2018: "Siyempre una palagi para sa anak namin."


Dahil 2018 na, tinanong namin si Marian Rivera kung may New Year’s resolution siya.

Lahad niya, “Actually, every... pagka natatapos ang taon, nagde-date kami ng asawa ko.

“Nagbabatuhan kami niyan, ‘Ano gusto mong mangyari this year? Anong dream mo this year?’

“May ganun kami palagi. Ako, parang hindi nga New year’s resolution, parang ano lang, mga dreams lang siguro.

“Siyempre una palagi, para sa anak namin.

“Katulad nito, siyempre ang tagal ng itinakbo ng Super Ma’am, instead of three months, naging six months kami.

“So parang nag-doble soap ako, na dalawang soap yung nagawa ko dito sa Super Ma’am.

“Sabi ko talaga babawi ako, gagawa ako ng program para sa anak ko kasi nabu-bore na siya sa bahay.

“E, bilang si Zia e napaka-anong bata, yung hindi siya tipikal na bata na, 'Diyan ka lang, laro ka,' okay na siya. Hindi!

“Iba yung mindset niya, so sabi ko babawi ako.

“After ng Super Ma’am gagawa kami ng program, yung swimming lessons niya masasamahan ko na,” kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 8 sa location shoot nila sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife, Quezon City.

Magtatapos ang Super Ma’am na primetime series ni Marian sa GMA sa huling linggo ng Enero.

GROWING UP FAST. Patuloy pang nagkuwento si Marian tungkol sa two-year old daughter nila ng mister niyang si Dingdong Dantes.

“E, sabi ni Dong sinama niya sa gym, nagbububuhat yung anak ko!

“Mga ten seconds daw ang kaya, hindi nakabitaw," pagtukoy ni Marian sa paglambitin ni Zia sa monkey bars ng gym.

“Sabi ko, 'Ah, baka puwedeng maging gymnastics ang sports niya.'

“So tingnan natin kung saan siya mas magiging okay.

“Minsan kasi niyaya niya ako, ‘Mama come, let’s go outside.’ ‘Oh where do you want to go?’ ‘I want to go to the park.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napapa-English ang nanay! Go!” at tumawa si Marian. “Ganun!”

“So minsan sasabihin ko, ‘Anak, work lang ako.’

“Sasabihin niya, ‘Mama I don’t like!’ ‘Huwag kang mag-alala anak, matatapos na naman si Mama.’ ‘Promise?’”

Matatas nang magsalita si Zia.

“Ay, grabe! Naku pag nakita n'yo talaga, literal tao na siya, nakakausap na tsaka nagsusumbong na ngayon,” naaaliw niyang kuwento.

ZIA JOINING SHOWBIZ? Sa tanong kung pag-aartistahin nila si Zia, ayaw daw sana ni Marian, pero ipinaliwanag din naman niya ng hindi nila ito mapipigilan kung sakali mang dumating ang panahong gustuhin yun ng kanilang unica hija.

“Naku, kung anuman ang gusto niya sa buhay niya ang usapan namin ng tatay niya kailangan makatapos muna siya, parang ako.

“After nun, kung ano ang gusto niya susuportahan namin siya, as long as nakatapos siya ng pag-aaral niya, okay kami.

“Tsaka buhay niya yan so nandito kami to support her pero ang importante ay makatapos siya ng pag-aaral.

“Ang showbiz, ang kapalaran hindi mo masasabi, kung para sa iyo ibibigay sa iyo kahit na ano’ng gawin mo,” pahayag niya.

CONTRACT RENEWAL. Speaking of showbiz career, ngayong Enero ay muling pipirma ng kontrata si Marian sa GMA-7.

Pagklaro niya, “Actually, dapat nung December, e.

“May inaayos lang sa contract hanggang sa itong January ang sabi ni Atty. [Felipe Gozon, GMA Network CEO].

“Itong January, pipirma ako sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN