Mocha Uson feted with UST Alumni Award; student leaders express dismay

IMAGE Facebook page of Mocha Uson

The UST Alumni Association conferred the Thomasian Alumni Award for Government Service to Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary Mocha Uson earlier today, January 21.


Pinarangalan ng University of Sto. Tomas (UST) Alumni Association ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary na si Margaux "Mocha" Uson para sa kanyang pagseserbisyo sa bayan.

Tinanggap ng dating sexy singer ang award kanina, January 21.

Ayon sa Twitter post ng UST official student publication na The Varsitarian, tinanggap ni Mocha ang Thomasian Alumni Award for Government Service.

Sa blog post naman ni Mocha ay nagpasalamat siya sa UST, at sinabing inaalay niya ang parangal sa kanyang ina at sa mga Pilipino.

Saad niya, "Maraming salamat po sa UST Alumni Association sa pagbigay sa akin ng 'Gawad Thomasian Alumni in Government Service.'

"Isa po itong karangalan. Inaalay ko po ang award na ito sa aking ina at sa ating mga ordinaryong Pilipino!"

STUDENT LEADERS'S REACTION. Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya ang University of Santo Tomas Central Student Council (UST-CSC) sa naging parangal kay Mocha.

Sa isang statement na kanilang inilathala online kanina pagkatapos ng pagpaparangal kay Mocha, sinabi nilang hindi nararapat para kay Mocha ang award, sa kadahilanang hindi siya nagtataglay ng "ideals of a real Thomasian."

Ayon pa UST-CSC, si Mocha ay "avid spreader and citer of fake news," at siya rin diumano'y kilala sa paggamit sa kanyang mga followers "to initiate blatant personal attacks against her critics and the government's, including students and members of the press, all under the guise of fake nationalism and freedom of speech."

Narito ang kabuuan ng statement ng UST-CSC:

Si Mocha ay graduate ng Medical Technology sa UST.

Siya ay nag-enrol din sa medical school ng unibersidad subalit nagdesisyon siyang mag-drop out para ipagpatuloy ang pagkanta at pagpasok sa showbiz.

Ibinahagi ito sa YES! Magazine noong January 2017.

May 2017 nang i-appoint si Mocha bilang assistant secretary ng PCOO.

Na-appoint din siya bilang board member ng Movie Television Review and Classification Board noong January 5, 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN