JM de Guzman opens up about past drug abuse issue

IMAGE Instagram account of JM de Guzman

For the first time, JM de Guzman opened up about his past drug abuse issue, which happened during the peak of his career. Now, after undergoing a more intensive rehabilitation and healing process, the promising actor is ready to resume his showbiz career with a clean slate.


Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ng aktor na si JM de Guzman ang naging karanasan niya nang malulong siya sa paggamit ng bawal na gamot.

Sa panayam sa kanya ng programang Rated K ng ABS-CBN kanina, January 21, inamin ni JM kung paano nakaapekto sa kanya ang paggamit ng droga.

Sa una raw ay akala niyang makakatulong ito sa mga issues niya sa buhay.

Sabi niya, "Akala ko nakakatulong siya sa akin as a person, as an actor at first.

"Pero noong nag-rehab ako, nabuhay sa akin na I have issues since I was a kid.

"I was bullied before when I was really young, so wala na akong self-esteem and confidence at that time.

"Taking drugs parang gives me power."

Labing-walong taong gulang daw si JM noong una niyang matutunan ang paggamit ng droga, dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang barkada.

Dahilan niya, "Parang na-excite lang ako na may something na di ko pa nagagawa.

"Eventually, kapag hindi na naano yung need mo na high, paiba ka nang paiba ng drugs.

"Nawalan na ng epekto, so parang naapektuhan ka na rin sa pag-iisip."

Bagamat gumagamit na siya noon ng bawal na gamot, hindi naging mailap kay JM ang pagkakaroon ng oportunidad sa showbiz.

Nagsimulat ito nang mapansin siya sa 2009 Cinemalaya movie na Last Supper Number 3.

Pagkatapos nito ay itinampok siya sa iba-ibang palabas ng ABS-CBN, kabilang na ang Precious Hearts Romances: Midnight Phantom (2010), Precious Hearts Romances: Alyna (2010), at Precious Hearts Romances: Kristine (2010).

Noong 2011 naman ay nakamit ni JM ang dalawang big break niya sa telebisyon—ang leading man role sa 2011 remake ng Mula sa Puso, at ang title role sa afternoon series na Angelito: Batang Ama.

Dahil dito ay tinanong siya ng host na si Korina Sanchez kung bakit pa rin siya nalulong sa droga sa kabila ng kasikatang natamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng 29-year-old actor, "Partly, how I handled myself kapag nakaharap na 'ko sa sirkumstansya na di ko kontrolado.

"Mayabang po ako nun, e. I don't seek help."

Nauwi ang mga pangyayaring ito sa pagkakatanggal ni JM sa ikalawang libro ng Angelito na Angelito: Bagong Yugto noong 2012, na naging dahilan din para bigla itong matapos sa pag-ere.

Dagdag niya, "Yung latter part ng Angelito, parang they decided to take me out kasi medyo nagkakaproblema na ako.

"Binaril yung character ko."

REHAB AND RELAPSE. Dahil sa mga pangyayaring ito, napagdesisyuan ni JM na pumasok na sa rehabilitation center.

Lahad niya, "Mentally, emotionally physically, rock bottom na, e.

"Parang di ko na maiangat yung sarili ko.

"Wala na. Yung paranoia ko, hallucinations ko, di na ako makagalaw pag walang drugs.

"Iyak ako nang iyak. Depression.

"Lumala mga problema so I decided na... tinext ko na lolo ko, 'I think kailangan ko na ipasok sa rehab.'"

Pagkaraan ng labing-isang buwan ay nakalabas si JM sa rehab, at nabigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanyang career.

Nagbida siya sa 2014 indie flick na That Thing Called Tadhana, at sa 2015 afternoon series na All Of Me.

Masaya naman daw si JM habang ginagawa ang teleserye, "kung hindi sana ako natanggal uli."

Kasabay nito ay lumabas ang mga balita noon na tatanggalin si JM sa All Of Me dahil nagkaroon uli ito ng problema.

Ito pala ay dahil sa relapse, o pagbabalik ni JM sa dating bisyo.

Pag-amin niya, "Di ako naging sincere at genuine sa pag-confront ko sa issues ko noon sa first rehab ko.

"Gusto ko lang makalabas, galit na galit ako.

"Lungkot na lungkot ako deep inside."

Pinagsisihan naman daw ni JM ang ginawang pagpapanggap na okay na siya.

"Hindi kinaya ng guilt ko, parang niloloko ko lang yung mga taong naniwala sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinain ako ng konsensya ko.

"So inamin ko. So ayun, natanggal ako dun sa show [All Of Me] na hindi naman yun yung original plan na sinabi sa akin.

"Nakadagdag yun sa pain. Relapse itself is painful for me.

"Mga nasayang ko uli na blessings and opportunities.

"Yung depression, yung anxiety, galit sa sarili, triple. Slowly, killing myself na unconsciously," pagbabalik-tanaw niya.

Dahil dito ay pumasok siyang muli sa rehab, kung saan sa umpisa ay sinubukan niyang talikuran ang mga issues niya sa tuwing pag-uusapan ito.

Kuwento niya, "I tried na parang manipulahin yung programa, na umacting-acting ako doon na parang everytime they try na hukayin ako kung saan ba nanggaling yung relapse, I tried to stay away.

"Inactingan ko sila, pero di nakalusot sa kanila, so talagang naproseso yung issues ko sa loob, isa-isa."

SUPPORT SYSTEM. Inamin naman ni JM na ang pinakamahirap na pinagdaanan niya ay ang pagtanggap sa dahilan kung bakit hinayaan niya ang sarili na malulong sa droga.

Pag-aanalisa niya, "Sobra siyang manipulative na bagay na parang sobra akong okay dito sa pupuntahan mo, ibibigay niya sa 'yong state and then kukunin niya sayo lahat, lahat ng malapit sa puso mo, lahat ng mahal mong gawin, lahat ng bina-value mo.

"And sa huli, di mo rin naman siya masisisi dahil bagay lang siya.

"So kukunin niya rin self-respect mo and yung pagmamahal mo sa sarili mo."

Mabuti na lamang daw at nakatanggap siya ng matinding suporta mula sa kanyang pamilya.

Pagbabahagi niya, "Family ko kasi and me, parang nag-heal together, e.

"Talagang we went through processes na talagang intense and nag-resolve kami ng mga issues and yung support system namin sa isa't isa was matibay.

"Para sa akin, sobrang blessing yun na kahit nandun ako sa baba, may naaayos na bagay na akala ko mahirap gawin before."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng dalawang taon, noong Martes, January 16, ay nakalabas na si JM, subalit nasa aftercare stage pa rin daw siya, bago pa tuluyang maka-graduate sa rehab.

Ayon kay Martin Infante ng Self-Enhancement for Life Foundation, kailangan ding bumalik-balik ni JM para sa follow-up check-ups.

Sa ngayon ay handa na muli si JM na bumalik sa showbiz.

Sabi niya sa interview, "Sobrang thankful po ako din.

"I don't think I deserve it pero sobrang thankful pa rin ako.

"Siguro may purpose.

"Sobrang suportive po ng lahat ng tao sa paligid ko like ABS, Star Magic, yung program."

Payo naman niya sa mga gumagamit ng droga, "Iniisip mo pa lang, huwag mo na puntahan.

"Pag ginagawa mo na, tigilan mo na."


Stories We Are Tracking

JM de Guzman now on his second year of sobriety
JM de Guzman now on his second year of sobriety
JM de Guzman:
JM de Guzman: "I'm recovering, well, and happy."
Arron Villaflor says series was not cut because of JM
Arron Villaflor says series was not cut because of JM
Albert Martinez feels sad for JM de Guzman
Albert Martinez feels sad for JM de Guzman


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN