Claudine Barretto reveals panic disorder started after Rico Yan's death

IMAGE Instagram account of Claudine Barretto

Claudine Barretto admits to seeing a psychiatrist after being diagnosed with panic disorder in 2002. (right) Claudine with current psychiatrist Dr. Bernadette Manalo-Arcena.


Regular na nagpapatingin at nagkokonsulta ngayon si Claudine Barretto sa isang psychiatrist.

Inamin niya ito sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA-7 ngayong gabi, January 21.

Marami kasi ang humanga noong unang ibinahagi ni Claudine sa isang Instagram post ang pagpapatingin niya sa sikat na psychiatrist na si Dra. Bernadette Manalo-Arcena.

Kuwento ng aktres, "Every month I see her.

"I really go to her for therapy and sessions namin.

"Noong night na yun, sabi ko, 'Doc, mag-picture tayo, 'tapos sasabihin ko na ikaw yung psychiatrist ko.'

"Kasi everytime na nagpo-post siya sa Facebook, lagi ko sinasabi, 'That's my doctor, kasi happy ako lagi dahil parang Doctor to the Stars siya, e!'

"Tapos sabi niya, 'Clau, may patient-doctor confidentiality.' She's very protective of me.

"Ako naman, I've been very open that I've been seeing a psychiatrist and there's nothing wrong.

"I'm just so happy and talagang thankful kasi grabe mga tao, the comments, parang lahat ng tao ngayon, they're very open, they have so much compassion towards other people who are going through any kind of mental illness."

IDENTIFYING THE ISSUE. Ayon kay Claudine, tatlong psychiatrists na raw ang kinonsulta niya bago pa kay Dr. Arcena.

Ito ay nagsimula noong ma-diagnose na mayroon siyang panic attacks noong 2002.

Ayon sa Anxiety and Depression Association of America, ang panic attack ay "abrupt onset of intense fear or discomfort that reaches a peak within minutes."

Kuwento ni Claudine, "In 2002, I was diagnosed with panic attacks, panic disorder.

"I just felt na parang mamamatay ako, hindi ako makahinga, parang I was sinking, I was drowning, 'tapos parang lumiliit yung kuwarto, nagko-cold sweats ako 'tapos hihimatayin ako.

"I didn't know what was wrong. Nobody really told me, 'Ah, panic attack 'yan.'

"There were days na parang feeling ko, 'Oh my God, I think I'm going crazy,' kasi balisa, e. Di ka mapakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When you have a panic attack at sabihin ng tao sa 'yo, 'Ano ba nararamdaman mo?' the moment you tell them ano nararamdaman mo, all the more guma-grabe yung panic.

"I was so scared."

THE TRIGGER. Inamin ni Claudine na nag-umpisa ito noong pumanaw ang boyfriend niya noong panahong yun na si Rico Yan.

Pumanaw si Rico noong March 29, 2002.

Una daw umatake ito habang nagte-taping siya para sa isang teleserye at napansin ng yumaong direktor na si Wenn Deramas ang pagkabalisa ni Claudine.

Noong panahon na yun ay ginagawa ni Claudine ang ABS-CBN drama series na Sa Dulo ng Walang Hanggan.

Pagbabalik-tanaw niya, "Ang natatandaan ko lang, yung time na nagte-taping kami, nag-cold sweat ako while we were reading.

"Tapos, sabi ni Direk Wenn, parang iba na.

"Sabi ko, 'I'll just go to the room for a while, inom lang akong water.'

"And then he went inside the room, and then sabi niya, ang putla ko daw.

"I was just walking and walking 'tapos sabi niya, 'Ano nangyayari?' 'Hindi ko alam.'

"Ayun, I started crying na and I couldn't breathe.

"Noong sinabi sa akin ni Direk Wenn na, 'You need to see a psychiatrist, something's wrong,' pakiramdam ko tatalon ako sa building, because hindi ko alam paano ako pupunta sa emergency room at i-explain sa tao or sa doctors doon na parang pakiramdam ko na I'm sinking, I'm drowning."

Paliwanag naman ni Dr. Arcena sa naging karanasan ni Claudine, "Artista siya, so kumbaga, the pressure and yung trabaho mismo, I could just imagine na napaka-tedious.

"At saka hindi lang yun, yung mga expectations ng hindi lang ng ibang tao, e. Family, fans...

"Para sa akin, it takes its toll on her plus a death of a significant other na siyempre noong time na yun, pag gano'n ang age mo, the love of your life na mawawala sa buhay mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT YET DONE GRIEVING. Sa puntong ito ay inamin ni Claudine na hanggang ngayon, hindi pa rin siya tapos sa pagluluksa sa pagkamatay ni Rico.

Saad niya, "Hanggang ngayon, dala-dala ko because I never really grieved.

"I just really kept on working and working.

"I want to tire myself para pag-uwi ko, talagang tulog na lang, hindi ko na maisip yung pagkamatay ng ex-boyfriend ko noon.

"Ang gusto ko lang, mapagod. Hindi pa talaga ako yung talagang nakapag-rest para umiyak, up to this day."

Ganunpaman, patuloy pa rin naman daw ang pagdalaw ng aktres sa puntod ng yumaong aktor.

Pag-amin niya, "Yes, I do. Naglilinis ako doon minsan.

"That's the only thing na puwede kong gawin.

"I wasn't able to say goodbye o maalagaan man lang siya bago siya nawala."

Inalala rin ni Jessica ang panahong pinost ni Claudine ang lumang kumot at mga sulat ni Rico para sa kanya.

Dito raw diumano nagsimula ang panic attacks ng tinaguriang Optimum Star.

Paliwanag ni Claudine tungkol dito, "There's still a lot of Rico-Claudine fans na yung hiniling ko lang when he died was huwag siya kalimutan ng tao and hindi nakalimot yung tao.

"The little that I have left of him, I share it with those who miss him also.

"But that's how it all started. Yun po yung start ng panic disorder."

Ano ang pinakamalalang atake na nangyari sa kanya?

Aniya, "I think, two years ago. I think I'm dying, I cannot breathe anymore.

"Yung panic attacks ko it's too much to handle tapos she [Dr. Arcena] called me, she calmed me down.

REGULAR MEDICATION. Ayon kay Dr. Arcena, kinailangan niya ring i-assure si Claudine at di kalaunan ay uminom ito ng gamot para hindi na bumalik ang mga atake.

Paliwanag niya, "Anxiety disorder is very common, may mga triggers kasi siya initially.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After that, sabi nga ni Clau, later on wala na, minsan dumadating siya.

"That is the reaosn why the medications, kailangan inumin siya regularly para kino-control lang natin na di siya magkakroon ng relapse.

"And importante rin dito talaga na nagpapatingin on a regular basis.

"I also have to emphasize na ang ating mga artista, we also have to see them in the light that they are also human beings.

"They are also capable of going down the ladder. Tao rin sila, kailangan din nila ng assurance.

"And I'm proud to say that Clau is, at the moment, doing very well."

Pagkatapos ng pagkamatay ni Rico ay naging asawa ni Claudine si Raymart Santiago. Dito ay nag-umpisa siyang mag-focus sa kanyang sariling pamilya.

Lahad niya, "I tried to leave yung part ng kay Rico behind when I got married.

"Siyempre, I have to focus on my husband and children but it was always there.

"Pagka birthdays, nandiyan naman ako. Kahit paano naman naging supportive naman yung ex-husband ko."

INSPIRATION. Sa ngayon ay masaya si Claudine at napagdesisyunan niyang pahalagahan ang kanyang mental health, kahit pa na may ibang taong nagsasabing "baliw" siya.

Saad niya, "I had to go to psychiatrists, doon ko nalaman na yung panic attack, there's a way out.

"Lahat yun, napagdaanan ko, na sabihan ka ng baliw.

"I was proud of myself for wanting to prioritize mental health. I really needed guidance, I really need help.

"And iba, e. Iba yung pinalabas ng ibang tao.

"When people say baliw 'yan, mentally-ill 'yan, they don't know the mental torture na pinagdaanan ko."

Sa katunayan ay may iba ring taong naapektuhan dahil sa paglantad niyang nagpapatingin siya sa psychiatrist.

Pagpapasalamat niya, "I'm just blessed na maaga ako nagpunta sa psychiatrist, ang inspiring talaga ng mga comments.

"It's so overwhelming, it really feels so good. Meron sa comments na parang, 'Last night, I was about to kill myself.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then noong nabasa daw niya [post ko], nagpa-check siya agad and it was panic attack."

ACT OF CHARITY. Noong Disyembre 2017 naman ay napag-usapan ang ginawang pagtulong ni Claudine sa isang sugatang lalaki.

Kuwento niya tungkol dito, "I came from a Christmas party and may nadaanan akong hospital na parang nagkakagulo.

"So bumaba ako, nagsisigawan na doon and then may lalaking nabaril dalawang beses, kailangan siya dalhin sa ibang ospital.

"E, walang ambulance, maliit lang yung hospital. Sinabi ko na sumakay sa akin.

"Nagpakilala ako na, 'Ako po si Claudine Barretto. Aanong kailangan ninyong tulong?'

"They said that they needed to be brought to a hospital.

"Dinala namin, but the whole time, iniisip nila yung kotse dahil puro dugo. Pero he survived."

Sa nangyari daw ito ay naniniwala ang 38-year-old actress na ito ang purpose niya sa buhay.

"I just really like to think na God has been blessing me to be a blessing to other people kasi yun lang naman ang gusto ko, e, na everyday magawa ko talaga yung purpose ko in life," makabuluhan niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN