James Reid speaks up on cancellation of JaDine movie shoot: "I wasn't drunk."

IMAGE Noel Orsal

James Reid breaks silence on talk that he was drunk, thus causing the delay in his movie with girlfriend Nadine Lustre. Nadine, in an interview, called the talk "ridiculous." i


Itinanggi ni James Reid ang akusasyong nalasing siya kaya’t na-pack up ang shooting ng pelikula nila ni Nadine Lustre, ang Never Not Love You, noong January 13.

“Actually, I didn’t even know about that issue until today. I didn’t know about it.

“For one, I wasn’t drunk.

“Two, I never go out [without Nadine],” pahayag ni James sa exclusive interview ni Darla Sauler sa kanila ni Nadine, na in-upload sa YouTube noong Sabado, January 20.

Sundot ni Nadine sa tinuran ng boyfriend at leading man, “Sabi kasi, lasing daw.

"So, parang ako, nung nakita ko yun, parang… ‘Wait lang, Sunday? May sakit ako nung Sunday.’”

Nag-post sa Twitter at sa kanyang blog ang direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone noong January 13 upang ihayag ang frustration sa pagkakansela ng shooting nila.

Saad pa ni Antoinette, hindi ito ang unang pagkakataong nakansela ang shooting.

Hindi tinukoy ng direktor ang rason ng pack-up, dahilan upang maglabasan ang iba't ibang espekulasyon, kagaya ng diumano’y pagkalasing ni James kaya hindi nakasipot sa shooting kinabukasan.


Stories We Are Tracking

Tonet Jadaone frustrated by delay in JaDine movie, says BF
Tonet Jadaone frustrated by delay in JaDine movie, says BF
Dan Villegas sympathizes with Tonet Jadaone on JaDine movie
Dan Villegas sympathizes with Tonet Jadaone on JaDine movie

CANCELLED SHOOTING. Kinumpirma ni James na lumabas nga siya noong Linggo, January 14. 

Pero kanselado na raw ang shooting at may permiso siya mula kay Nadine.

Diin ni James, “But it was already cancelled [shooting].

"But I never go out without Nadine. I never used to go out without Nadine."

Dagdag naman ni Nadine, “Pinalabas ko siya, kasi yung friend niya na taga-Australia, babalik na, so sabi ko, ‘Sige, pumunta ka na.’”

Ulit pa ni James patungkol sa shooting, “But it was already cancelled.”

Sa puntong iyon, tinanong ni Darla ang dalawa kung nabasa nila ang report tungkol sa nakanselang shooting nila.

Sagot ni Nadine, “Ako, nabasa ko, naloka talaga ako. Sabi ko… wala akong masabi.”


Stories We Are Tracking

Nadine reveals her health problems caused movie shoot delay
Nadine reveals her health problems caused movie shoot delay
James Reid pokes fun at
James Reid pokes fun at "haters" in latest Instagram feed

“RIDICULOUS.” Una nang nag-post ng status sa Instagram si Nadine at sinabi ang dahilan ng pagkaka-pack-up ng shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-diagnose na may inverted cervical curve at scoliosis ang aktres at sumakit ang buong katawan niya.

Saad ni Nadine, “Actually naman, kasi medyo... for me, ha, medyo ridiculous siya.

"Kasi ang reason talaga kung bakit na-pack up yung shoot, kasi may sakit ako.

“Uncalled for talaga siya.

“Kasi Saturday night pa lang, nag-start na akong lagnatin, tapos headache, tapos back pain.

"Yung hindi talaga ako makagalaw, yung kitang-kita niya [James] yung naiiyak-iyak na ako halos, kasi ang sakit talaga nung likod ko.”

Sa unang check-up daw ni Nadine, sinabi ng doktor na nagkaroon siya ng viral infection.

Humingi raw siya ng second opinion sa ibang doktor at doon nakita ang inverted cervical curve niya.

Kailangan daw sumailalim sa physical therapy si Nadine para maayos ang kanyang kundisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN