Arnold Clavio takes a swipe at Karen Davila over Rappler issue

IMAGE Courtesy: @akosiigan / @iamkarendavila on Instagram

Pinasaringan ni Arnold Clavio si Karen Davila dahil sa Twitter post ng huli tungkol sa mga kasamahan sa media na nagpapakawala raw ng biro sa pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa online news site na Rappler. 


Pinasaringan ni Arnold Clavio ang kapwa brodkaster na si Karen Davila dahil daw sa pagsakay nito sa isang mainit na isyu.

Sa kanyang Instagram post kahapon, January 21, sinabi ng Saksi anchor na sana ay kinuha muna ng Bandila anchor ang side niya bago ito mag-post sa Twitter tungkol sa “jokes” daw ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Ito ay kaugnay ng pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa online news site na Rappler.

Ayon sa tweet ni Karen noong nakaraang January 18: “YES! Key words - solidarity & courage. It saddens me to hear some colleagues making jokes on air on Rappler being shut down or which one’s next.”

Sinamahan ito ng Kapamilya news and current affairs personality ng isang artikulo tungkol sa nasabing online site.

SAKAY SA ISYU. Ilang araw ang nakalipas, nakarating ito kay Arnold, na dating kasamahan ni Karen sa programang Saksi ng GMA-7.

Tinawag ng Kapuso news and public affairs personality ang atensiyon ni Karen.

Sabi ni Arnold, “Is this your post @iamkarendavila? Can’t believe you didn’t even get our side...

“Halatang hindi mo kasi napanood o napakinggan eh at naki-tsismis ka lang. ‘Solidarity and courage’ ba kamo?

"Yun nga ang mensahe ng Balitawit ko.

"Eto ang refrain para sa kaalaman mo, 'Panahon na naman ng paglaban

"Panahon na naman...

"Panahon na naman ng paglaban

"Gumising ka

“Tara na!”

"Filipino yan. Pakitanong na lang kay Vic Lima ang ibig sabihin ng ‘paglaban’.

"Glad to know that Nanay Edith Burgos, mother of Jonas, has seen it and this is her reaction, Salamat sa balitawit.

"We stand by you in the fight for press freedom. Di na tayo papayag na kitlin muli ang kalayaan sa pamamahayag. Mag ingat po tayong lahat.'

"Maraming salamat sa nakaintindi. Sa hindi like you, sorry na lang."

Ginamit din ni Arnold ang hashtag na "sakaysaisyu" sa dulo ng kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Edith Burgos ay asawa ng batikang peryodistang si Joe Burgos (We Forum), na madalas tugisin ng rehimeng Ferdinand Marcos. Ilang taon matapos pumanaw ng peryodista, ang anak nila ni Edith, si Jonas Burgos, ay nabalitang missing. Hinahanap pa rin ni Edith ang kanyang anak.

THE COMPLETE LYRICS. Ang "Balitawit" ay segment ng programang Saksi sa Dobol B (DZBB), kung saan hosts sina Arnold, Mike Enriquez, at Ali Sotto.

Sa nasabing segment, inaawit nila ang ilang mahahalagang balita sa bawat araw na hinahaluan din nila ng patawa.

Sa episode noong Lunes, January 15, inawit nina Mike, Arnold, at Susan Enriquez (pansamantalang humalili kay Ali Sotto) ang tungkol sa isyu ng online news site na Rappler.

Sa saliw ng awiting "Panahon Na Naman" ng Rivermaya, binigyang diin nila ang "paglaban."

Narito ang buong lyrics na kanilang nilapat sa tunog ng "Panahon Na Naman":

“May… may… naririnig ako sa may Ignacia ay susunod na.

“At may… may… naririnig ako kay Maria Ressa, na nauna na.

“Hindi mo ba namamalayan?

“Wala ka bang nararamdaman?

“Ika ng hangin may panggigipit sa atin.

“Panahon na naman ng paglaban.

“Panahon na naman.

“Panahon na naman ng paglaban.

“Gumising ka, tara na.

“Panahon na naman ng paglaban.”

Ang tinutukoy na "Ignacia" sa awit ay ang giant network na ABS-CBN, na nakatayo sa Mother Ignacia Street sa Quezon City at pinagbantaan ng Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin ang franchise renewal.

Si Maria Ressa naman ang editor in chief ng Rappler, na pinapasara ng Securities and Exchange Commission.

Narito ang ‘Balitawit’ video noong January 15:

Wala pang sagot si Karen sa post ni Arnold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN