Vhong Navarro's father passes away

IMAGE Noel Orsal / @vhongx44 on Instagram

Nakikiramay ang buong It's Showtime family sa kasamahan nilang si Vhong Navarro sa pagpanaw ng kanyang ama nitong weekend. 


Pumanaw na ang ama ni Vhong Navarro na si Danilo Navarro.  

Sa episode ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime ngayong Lunes, January 22, naglaan ng ilang segundong katahimikan ang co-hosts ni Vhong at ang studio audience para ipagdasal ang namayapang ama ng comedian-TV host.

Mensahe ni Amy Perez, “Vhong, kaisa mo kami sa pagdarasal para sa iyong daddy at sa iyong pamilya.

"Kaya naman be strong, we love you, Vhong.”

Dagdag naman ni Jhong Hilario, na kasamahan ni Vhong sa dance group na Streetboys, “Vhong, alam naming kaya mo ‘yan.

“At nandito kami buong pamilya mo sa It’s Showtime, at ang madlang pipol na kasama mo sa pagdadalamhati mo.

“Kaya I’m sure malalagpasan mo lahat ang problema mo.”

Wala pang detalye kung noong gabi ng Sabado, January 20, o madaling-araw ng Linggo, January 21, namatay ang ama ng TV host.

Pero ayon sa nakarating na impormasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pumasok pa si Vhong sa It’s Showtime noong Sabado, ngunit hindi na nito tinapos ang show.

Noong nakaraang taon pa may karamdaman ang ama ni Vhong. Labas-masok na rin ito sa ospital.

Sa katunayan, sa ospital nagdiwang ng Pasko ang buong pamilya nila para makapiling ang maysakit na ama.

Merry Christmas Everyone ????????

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44) on

 

Sa isang panayam, sinabi ni Vhong na ang ama ang isa sa sandigan niya at nagbibigay ng lakas sa kanyang buhay.

Sa kaarawan ni Vhong noong January 4, nagpasalamat siya sa ama at ipinagdasal na humaba pa ang buhay nito.

Mensahe ni Vhong sa kanyang Instagram post: "Dad, ang pahiramin pa samin ang buhay mo ang isang pinaka magandang regalong natangap ko ngyon kaarawan ko. Maraming salamat sa patuloy mong paglaban at sa mga Madlang Pips na patuloy na nagdadasal kay Dad. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat."

Makahulugan din ang post niya sa Instagram noong Sabado, January 20:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN