Kakai Bautista laughs off hate message from Maine Mendoza fan

IMAGE Instagram photo of Cacai Bautista

Kakai Bautista on showbiz life: "Hindi ka pwedeng magshowbiz kung balat-sibuyas ka. Pero wag sanang kalimutan ng fans na TAO din lang ang mga iniidolo nila."


Tinawanan lang ni Kakai Bautista ang hate message na nakuha niya mula sa tila isang fan ni Maine Mendoza.

Sa kanyang Twitter account kahapon, January 21, ibinahagi ni Kakai sa kanyang followers ang screenshot ng hate message na natanggap niya.

Sabi ng fan sa comedienne: “Hoy wala ka karapatan bkit ginaya mo si ate maine bkit ka nagbeso sa kanya ang panget mo walang nyan ka busit ka.”

Tila may kinalaman ito sa isang post ni Kakai kung saan kasama niya si Alden Richards, ang ka-love team ni Maine.

Reaksiyon dito ni Kakai  na gumamit pa ng natatawang emoji: “Minsan din talaga eh.

“Ganito talaga kapag puro sa social media at showbiz umiikot ang buhay ate. Nakakabaliw yan.

"Nakakatawa neleng telege Hayaan mo bes, next time sa braso ko na ikikiss! #brasoNiAlden”

May kinalaman din sa hate message ang sumunod niyang tweets, na tungkol sa buhay ng mga artista at kung paano nila hinaharap ang bashers.

May tweet kasi si DJ Chacha tungkol sa mga batang artistang nakakaramdam ng matinding kalungkutan dahil napanghihinaan ng loob.

Sabi naman ni Kakai, “Hindi ka pwedeng mag-showbiz kung balat-sibuyas ka.

“Pero wag sanang kalimutan ng fans na TAO din lang ang mga iniidolo nila.

“Hindi perpekto at hindi magiging perpekto kahit na gaano kaganda at kahusay.”

Dagdag pa ni Kakai tungkol sa #buhayshowbiz, “You don’t know how strong we have to be living in this industry.

“People are so much unaware and uneducated of the dark side.

“Your Words can literally and figuratively kill.”

Sa fans, ito ang paalala ng komedyana: “You will never understand How it feels to be an artista if you are not an artista or you are not in the showbiz.

“What you see, watch and hear is merely and facade of compiled truth and emotions.

“So if you talk, as if you know everything - you are STUPID.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago pa umani ng negatibong reaksiyon dahil sa kanyang mga nai-tweet, agad nilinaw ni Cacai na personal na saloobin lamang ang mga inihayag niya.

“Guys hahaha kumalma kayo. Wala akong kaaway at ok lang ako,” sabi niya.

“Ganyan na ba kababaw mag isip ang mga tao ngayon. Hindi ako MILLENIAL.

“Nung panahon namin we talk like this, and noOne gets easily offended, OLD PEOPLE take criticism very well. I just stating a fact.”

Sa huli, nagbigay ng payo si Kakai sa fans, lalo na sa mga kabataan: “Ang mabuti pang gawin nyong mga bata, MAG ARAL KAYONG MABUTI.

“Bawas Bawasan nyo ang social media.

“MAS MAKAKATULONG sa mga buhay nyo ang pag aaral at pagtulong sa inyong magulang kesa ibigay nyo ang oras nyo sa FACEBOOK, IG, TWITTER. Di kayo mapapakain nyan.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN