Maria Ozawa seeks help of Raffy Tulfo in her complaint against TNVS driver

IMAGE Courtesy: Raffy Tulfo in Action Facebook page

Pinatawad na ni Maria Ozawa (kaliwa) ang Uber driver na nambastos diumano sa kanya. Ito ay matapos dumulog ang Japanese actress sa programa ni Raffy Tulfo (kanan) kaugnay ng kanyang reklamo.


Nakausap na ng dating adult film star na si Maria Ozawa ang Transport Network Vehicle Services (TNVS) driver na diumano’y nangha-harass sa kanya sa text.

Sa pamamagitan ni Raffy Tulfo ng Aksyon sa Tanghali ng TV5 ngayong araw, January 22, isinumbong ni Maria ang tungkol sa pambabastos na kanyang naramdaman mula sa isang Uber driver na tinangka raw siyang gawing textmate.

Sa pamamagitan ng telepono, humingi ng paumanhin sa kanya ang driver na nagngangalang “Ben.” 

Ayon sa driver, wala siyang intensiyong i-harass ang Japanese actress.

Dahil sa reklamo ni Maria, ayon na rin sa driver, pinagbawalan na siya ng Uber mag-drive para sa kumpanya at nawalan siya ng income.

Pinatawad naman ni Maria ang driver, pero mahigpit niya itong pinangaralan.

Sana raw ay matuto ito at hindi na gawin pa sa iba niyang pasahero ang ginawa nito sa kanya.

Sa kanyang Instagram, isang mahabang mensahe ang ibinahagi ng girlfriend ng dating Pinoy Fear Factor finalist na si Jose Sarasola.

Aniya, “Thank you so much @margaarenasvargas, tv5 news staff, And Idol Raffy for taking this Uber incident that I experienced very seriously and made a opportunity for me to explain what had happen and to be the 'voice' of ALL THE WOMAN out there who experience the same incident or more worse...

"Imagine woman all over the country not having the voice to step up and share about the incident they went through diba? So I hope I helped a little to prevent problems like that and hope the driver learned his lesson, and that this will be a wake up call to all service companies and not just Uber.”

Matatandaang nitong nakaraang Huwebes, January 18, nag-rant sa Facebook si Maria tungkol sa diumano’y pangha-harass sa kanya ng isang Uber driver.

Itinawag niya ito sa kumpanya at nangako daw ang huli na gagawan kaagad ng aksyon ang sumbong ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN