Hashtags member Ryle Santiago opens up about his emotional attachment to stepdad

IMAGE Noel Orsal

Ryle Santiago is thankful to his biological dad, Jun-jun Santiago Jr., for giving him life, but his love as a son belongs to his stepdad, Chris Tan. "Ang hindi lang Tan talaga sa akin ay yung dugo and legality," he declares.


Ayon sa Star Magic talent na si Ryle Santiago, isa siyang Santiago sa dugo pero isa siyang Tan sa puso.

Ang tunay na ama ni Ryle ay si Pablo "Jun-jun" Santiago, business unit head ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Sa It's Showtime regular na napapanood si Ryle bilang miyembro ng all-male group na Hashtags.

Pero ang kanyang kinalakihang ama at stepdad ay si Chris Tan, dating basketbolista.

Ang ina naman niya ay ang aktres na si Sherilyn Reyes.
   
Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryle sa launching niya bilang bagong endorser ng Cherub noong January 18.

Kinumusta namin ang kanyang relasyon sa tunay na ama.
  
Saad ni Ryle, “Oo, nagkikita kami, kasi siyempre, boss yun sa ABS.

“We’re civil, pero hindi kami sobrang close, may understanding kami.

“Okay kami, kung anuman ang nangyari before ay kinalimutan na namin.

“Basta we’re fine, we’re good… actually, two weeks ago, umakyat ako sa opisina niya.

“Pinatawag niya ako, so okey kami, wala kaming issue.”
     
SANTIAGO LINEAGE. Tiyuhin ni Ryle sina Randy, Rowell, at Raymart Santiago—mga kapatid ni Jun-jun.

Prominente ang Santiago clan sa showbiz, kumusta ang relasyon niya sa kanyang mga tiyuhin?
  
Tugon ni Ryle, “We’re not super-super close, pero okey kami.

“Kung kailangan ako or anything, pumupunta ako.

“Like, my cousin, naging somebody din siya sa buhay, pumunta ako para makiramay.

“Kahit na ano ang mangyari, dugo ko pa rin sila, pamilya ko pa rin sila.

“Bumista ako, I showed support.”

Ang tinutukoy ni Ryle na cousin ay si Ryan Leonardo Santiago, na sumakabilang buhay noong August 13, 2017, sa edad na 24.

Namatay siya dahil sa isang rare brain disease at multiple sclerosis.

Si Ryan ay pangalawang anak ni Randy at ng misis nitong si Marilou Coronel.
  
Ayon pa kay Ryle, “Kapag nakikita ko ang mga tito ko, siyempre astig ang mga yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May lineage ako sa kanila, may important mark sila na iniwan sa showbiz.

"Sobra akong humahanga sa kanila dahil sa naiambag nila sa industriya natin."

Dagdag pa niya, “Ang first album ng Hashtags, may isang kanta dun ni Tito Randy.

"Yung ‘Babaero’, kasama siya sa first album namin.”

SUPPORTIVE STEPDAD. Very proud namang nagkuwento si Ryle tungkol sa magandang samahan nila ng stepdad at kung gaano kalaki ang bahagi nito sa buhay niya.
  
Lumaki si Ryle sa pangangalaga ng kanyang stepdad.

Kuwento niya, “Sobra, nung three years old pa lang ako, nandiyan na ang daddy ko para alagaan ako.

“Sobrang thankful ako sa kanya na hindi niya ako pinabayaan… nakakalimutan ko nga na stepdad ko siya, e.

“Ang alam ko, totoo ko siyang tatay, ganun siya ka-concern sa buhay ko, ka-supportive, mapagmahal.

“Never ko siyang itinuring na stepdad, hindi ko feel na Tan ako, kasi Tan talaga ako.

“Ang hindi lang Tan talaga sa akin ay yung dugo and legality.”

Pero malaki pa rin daw ang utang na loob niya sa tunay na ama.
    
“Siyempre dugo ‘yan, yung iba nga, hindi kilala ang pamilya.

“Thankful naman ako, kasi kung wala siya, wala din ako.”

May payo ba si Ryle sa mga kabataang dumadaan din sa sitwasyon na pinagdaanan niya?
  
Pahayag niya, “Well, nung bata ako, wala akong masyadong malay nun, I didn’t think ill of it.

“Nung tumanda ako, na-realize ko kung gaano pala kalalim ang mga pinagdaanan ko.

“Ang masasabi ko lang sa mga batang nasa ganung sitwasyon, kapit lang kayo.

“There’s a reason kung bakit siguro hindi nag-work out yung relasyon ng parents ninyo.

“As much as possible, support ninyo na lang ang tatay ninyo, nanay ninyo.

“Suportahan ninyo sila na maka-move on sila, maging masaya sila.

“And maging masaya ka na lang para sa kanila, at least they did it for everyone’s best interest.”
 
WHAT HE WANTS. Napapanood si Ryle sa teleseryeng Asintado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit okey daw na wala siyang ka-love team, ikakatuwa niya kung bibigyan siya ng kapareha ng ABS-CBN.
   
Aniya, “You know, kung sinuman ang ibigay sa akin ng Dreamscape, masaya na ako kung sinuman ang ibato sa akin.

“I try to make it work as much as possible, bukas nga may taping ako para sa Ipaglaban Mo, may girlfriend daw ako.
  
“I want to participate, gusto kong magkaroon ng love team, gusto kong maranasan lahat ng roles, including maging leading man.

“Gusto kong maranasan magpakilig, maliban sa pagsasayaw, sa pagkanta.
  
“Gusto kong magka-love team, as long as na yung magiging love team ko, makakasundo ko.

“At siyempre, may magic kami, why not, di ba?”

Minsan na rin daw nagka-girlfriend si Ryle na nauwi sa breakup.
  
“Kung hindi talaga meant ang isang bagay, it’s best to let it go kaysa pilitin ninyo.

"Six months din kami," banggit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN