Alden Richards's father answers basher with a smiley

IMAGE Facebook photo of Richard Faulkers Sr.

Richard Faulkerson Sr., aka Daddy Bae, reacts to a basher's comment about him. Daddy Bae accompanied son Alden Richards in Australia recently.


Katulad ng kanyang anak na si Alden Richards, tila natuto na rin si Richard Faulkerson Sr., o mas kilala bilang Daddy Bae, na huwag pansinin ang bashers.

Sa kanyang Facebook post kahapon, January 22, ibinahagi ni Daddy Bae ang isang negatibong komento tungkol sa kanya ng isang netizen.

Pinuna kasi ng netizen ang madalas na pagsama niya sa mga lakad ni Alden.

Ikinumpara pa ng basher si Daddy Bae sa mga magulang ni Maine Mendoza, ang onscreen partner ni Alden.

Sabi ng netizen, “Ang sarap ng buhay ni Daddy Bae, umaasa lang sa anak na lagi pang nagpapa selfie sa fb. Ang parents ni Maine negosyo nila ang inaasikaso at so humble..”

Walang anumang reaksiyon ang ama ni Alden dito kundi “Lola naman e. smile

Ang komento ng netizen ay bunsod marahil ng sunud-sunod na posts ni Daddy Bae ng mga larawan na kuha sa Australia, kung saan nagkaroon ng show si Alden kasama si Betong Sumaya para sa GMA Pinoy TV.

Inulan naman ng suporta para kay Daddy Bae ang comment section ng kanyang post.

Marami ang nagtanggol sa ama ni Alden, isa na rito ang isang CEO sa isang business consulting company.

Sa comment ni Germin Espino, inihayag niya kung gaano ka-supportive si Daddy Bae sa kanyang pamilya, lalo na sa karera ni Alden.

Pahayag ni Espino, “I know Richard personally and have worked with him before. I once offered him a good [paying] job opportunity but he declined in favor of his son.

“He turned down a career opportunity because he loves his family more than himself.

“People who are not happy for him now are those who are bitter aboit other peoples succes. Sa tagalog INGGIT.”

Isang pasasalamat ang naging sagot ni Daddy Bae sa sinabi ni Espino.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN