Girltrends member Dawn Chang confirms relationship with Justin Cuyugan

IMAGE Instagram

Girltrends member Dawn Chang confirms she is in a relationship with actor Justin Cuyugan. 


Kinumpirma ng Girltrends member na si Dawn Chang na magkarelasyon sila ng aktor na si Justin Cuyugan.

Nitong Holiday season, nagpahiwatig ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon nang mag-post sila ng mga larawang magkasama via social media.

Off to somewhere beautiful.

A post shared by Justin Paulo Cuyugan (@iamjustincuyugan) on

When you’re that comfortable being silly with him kahit mali mali yung lyrics mo ????

A post shared by Dawn Chang (@dawnchangofficial) on

Marami ang nasorpresa nang i-post ni Dawn ang maiksing video nila ni Justin na very sweet.

Nitong Lunes, January 22, kinumpirma ni Dawn ang tunay na estado ng relasyon nila ni Justin.

Ayon sa 28-year-old dancer-host, “Hindi ko naman ipu-post yun kung wala, di ba, parang ano naman… di ba? It’s 2018, so yeah, we’re dating.”  

Nagsalita ang segment host ng Umagang Kay Ganda sa interview ng radio jock na si DJ Jhaiho sa online program na Hotspot.

Inusisa si Dawn kung ano ang ibig sabihin ng “dating” stage nila ni Justin.

Tugon ng former Pinoy Big Brother 737 Edition housemate, “Well, I guess, sa buong relationship naman ng dalawang tao, it’s always gonna be, 'you get to know each other every day.'

"But, yeah, I guess it’s safe for me to say that we’re together."

Nagustuhan daw ng aspiring actress kay Justin ang pagiging malawak ng kaisipan nito.

“Puwede mo siyang kausapin ng about anything with no judgment.

"Siya yung taong napakasarap kausap at sobrang maintindihin," paglalarawan ni Dawn sa nobyo.

Si Justin, 37, ay may asawa dati at nagkaroon sila ng tatlong anak.

Ang huling napabalitang relasyon ni Dawn ay isang isang Australian. Nag-break sila noong 2016.

Na-link din si Dawn sa Kapamilya actors na sina Arron Villaflor at Zeus Collins. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN