New Kapuso Matt Evans leaves his ego at the door

IMAGE Noel Orsal

Kapamilya-turned-Kapuso-actor Matt Evans is all work and no ego: "Tinanggal ko po agad sa sarili ko na wala po akong insecurities sa ibang artista."


Kontrabida ang karakter na ginagampanan ng bagong Kapuso na si Matt Evans sa upcoming primetime series ng GMA Network, ang Sherlock Jr.

Isang bagay raw ito na talagang gusto niyang gawin sa paglipat ng network—mula ABS-CBN papuntang GMA-7.

Ayon kay Matt, “Yung maganda rin po, noong lumipat po ako rito, tinanong po ako nila Ms. Lilybeth [Rasonable] kung ano raw po ang gusto kong role.

“Sinabi ko sa kanila, ayoko naman pong magbida.”

Paliwanag niya, “Iba po ang pressure ng bida.

“Sabi ko, doon na lang po ako sa mga character roles.

“At least, mas mabilis na maka-penetrate at saka ano po, challenging din po.”

Noong nasa ABS-CBN pa si Matt, naging bida siya sa adventure series na Da Adventures of Pedro Peduko (2007).

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro press si Matt sa press conference ng Sherlock Jr., sa Cities Events Place, Quezon City, Lunes ng gabi, January 22.

MATT AS A KAPUSO. Labindalawang taon naging Kapamilya si Matt. Naisip ba niya noong darating ang araw na posibleng lumipat siya ng network?

Tugon ng 31-year-old actor, “Ay, hindi ko naman po binigyan ng restriction ang sarili ko.

“Siyempre po, tulad din ng ibang idolo naming artista, gusto ko rin pong marating, like, yung status ni Kuya Tonton [Gutierrez] na tatay ko po rito sa teleserye namin.

"Ang sarap din lang po sa pakiramdam na, in both networks, ang ganda ng reputasyon mo."

Patuloy ni Matt, “At saka, sa kanila rin naman po galing na, at least, hindi nalilimitahan ang trabaho ko.

“Puwede naman po akong tumanggap sa kahit anong network.

“Sobrang ganda rin naman po ng paalam ko, at sila rin naman po ang may sabi na anuman po ang mangyari, puwede naman po akong bumalik.”

Hindi raw nahirapang mag-adjust si Matt sa pagiging isang Kapuso niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Mabilis din po akong nakapag-adjust.

“Sabi rin po ng dati kong handler sa ABS, yung field lang ang magbabago, pero yung trabaho, pareho lang naman po.

“So, yung pakikisama po ang pinaka-best sa akin.”

May expectations ba siya sa paglipat niya?

“Siguro po, gusto ko lang din pong mapantayan ang 12 years ko sa ABS.

“Kung ganun din po ang ibibigay sa akin ng Panginoon na longevity ng career ko, bakit naman po hindi, magpapasalamat po ako dun.”

WORKING WITH KAPUSO STARS. Nakatrabaho na noon ni Matt sa ABS-CBN ang direktor ng Sherlock Jr. na si Rechie del Carmen, gayundun ang ibang Kapuso stars na kasama niya sa show.

Lahad ng former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate, “Matagal ko na rin po silang nakakatrabaho.

“Nakakasama ko po sa mga out-of-town shows dati.

“Nang mapabilang po ako sa show na ‘to, konting-konting adjustment na lang po ang nagawa ko.

“Siguro sa mga staff na lang po, kasi sila lang po ang halos hindi ko nakatrabaho, mga staff po.”

Noong Kapamilya pa siya, sino sa Kapuso stars ang gusto niyang makatrabaho ngayon?

Sabi ni Matt, “Actually, yung mga gusto ko pong makatrabaho rito, halos mga kaibigan ko na rin po.

“Like, sina Tom Rodriguez po, sila Dennis Trillo sa mga leading men.

“Sa babae naman po, si Ate YanYan [Marian Rivera] siyempre.

“Si Janine [Gutierrez] po, hindi ko alam na makakasama ko sa teleseryeng ito.

“Tapos napakaganda pa ng teleserye namin at primetime pa.”

PADRE DE PAMILYA. Inamin ni Matt sa PEP.ph kung bakit nagdesisyon siyang lumipat ng network.

Aniya, “Siyempre, tatay na rin po ako at kailangan ko rin po ng mas maraming trabaho.

"Nakita ko naman po yun dito.

"Simula po nung tumuntong ako ng GMA, overwhelming din naman po ang mga trabahong ibinibigay nila sa akin."

Kahit teenager pa lang nang magkaroon ng anak at 25 years old siya nang ikasal sa misis na si Katrina Fariñas, ang pagiging married man daw ni Matt ang naging malaking daan ng pagbabago niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sobra po, 360 degrees talaga.  

"Dati, pagkatapos ng trabaho, gigimik pa ako, iinom pa.

"Kung may segue ka, hindi ka nakakapag-perform nang maayos.

“At least ngayon, mas may direksiyon po ako.”

Tatlo na ang anak ninina Matt at Katrina; sampung taon ang panganay, apat na taon ang pangalawa, at dalawang taon ang bunso.

Mayroon ding isang anak ang aktor sa dati niyang girlfriend.

Bukod dito, businessman na rin siya. Nagtayo siya ng sariling outlet ng Beautederm kamakailan lang.

“Kailangan po talaga, e,” nakangiting sabi ni Matt.

“At tingin ko, kailangan po talagang gawin para kapag wala kang trabaho, meron ka pong extra income.”

Wala raw nararamdamang anumang panghihinayang si Matt na dahil maaga siyang nagkaanak at nag-asawa, nalimitahan nito ang pagiging leading man at pagiging heartthrob niya.

Aniya, “Wala po, e, wala po talaga akong regret.

“Siguro yun lang po, tinanggal ko po agad sa sarili ko na wala po akong insecurities sa ibang artista at saka sa ibang mga tao.

“Kung anuman po ang mga trabahong dumating sa akin, nagpapasalamat po talaga ko lagi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN