Xian Lim leaves Star Magic and moves to Viva; is he still a Kapamilya?

IMAGE Jojo Gabinete

Xian Lim on leaving Star Magic, talent arm of ABS-CBN: "Nag-usap naman kami nang maayos. Napakaliit ng mundo natin. It doesn't mean I'm with Viva family, i-e-exclude nating lahat. Hindi naman po ganoon. We're all still one big family working together."


Five-year management at 10-picture deal ang exclusive contract na pinirmahan ni Xian Lim sa Viva Artists Agency (VAA) at sa Viva Films ngayong Martes ng hapon, January 23.

Marami ang nagulat sa paglipat ni Xian sa Viva dahil siyam na taon siyang exclusive contract star ng Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN.

Tiniyak naman ni Xian sa press na kahit VAA na raw ang mamamahala sa kanyang career, mananatili siyang loyal sa Kapamilya network.

Hindi ba siya hinabol ng Star Magic?

Ayon sa 28-year-old actor-singer, “Nag-usap naman kami nang maayos.

"Napakaliit ng mundo natin. It doesn’t mean I’m with Viva family, i-e-exclude nating lahat.

"Hindi naman po ganoon. We’re all still one big family working together."

Ngayong Viva artist na siya, may posibilidad bang lumipat siya sa GMA-7?

Tugon ni Xian, “Gusto ko lang sabihin na I really love ABS-CBN.

"ABS-CBN has always been my home."

KIMXI NO MORE? Ano na ang mangyayari sa love team nila ni Kim Chiu, ang KimXi?

Paglilinaw ni Xian, "Definitely, nandoon pa rin naman yun.

"I’ve been always vocal about our tandem. Hindi siya matatapos.

"I mean, the KimXi tandem will always be there.

"I’m sure, there’s gonna be a project lined up para sa KimXi tandem."

Diin pa niya, "KimXi will always gonna be there.

"Hindi naman siya tinalikuran ng mga sumusuporta."

MOVIE WITH SARAH. Ang Viva Films executives na sina Vic "Boss Vic" del Rosario, Veronique del Rosario-Corpus, at June Torrejon-Rufino ang kasama ni Xian sa contract signing.

Ginanap ito sa board room ng Viva Group of Companies sa Tektite Building, Ortigas Center, Pasig City.


Sinabi ni Boss Vic na ang Philippine adaptation ng Korean movie na Miss Granny, na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo, ang unang pelikula ni Xian sa Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gagampanan ni Xian ang role ng record producer na love interest ng karakter ni Sarah sa Miss Granny.

Excited na si Xian mag-shooting para sa pelikula dahil katuparan daw ito ng pangarap niyang makasama si Sarah sa isang movie project.

“I was given an opportunity to work with Sarah and James [Reid] in their upcoming movie, and I was very excited.

"Kasi, even a couple of years back, kapag tinatanong ako, sino ang mga gusto mo makapareha, I mean, to be able to work with Sarah, it’s already a very huge blessing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN