Elisse Joson has no issue with loveteam partner McCoy de Leon and ex-BF Jerome Ponce being friends

IMAGE Noel Orsal

Elisse Joson says she and loveteam partner McCoy are still enjoying each other's company. "Pag minadali mo kasi ang mga bagay, may possibilty matapos nang maaga."


Kapansin-pansin ang pagiging magkaibigan ng dalawang lalaking may kaugnayan sa Kapamilya young actress na si Elisse Joson.

Ito ay ang ka-love team at rumored suitor niyang si McCoy de Leon at ang ex-boyfriend niyang si Jerome Ponce.

Magkakasama ang tatlo sa ABS-CBN primetime series na The Good Son.

Ayon kay Elisse, hindi isyu sa kanya kung kung maging magkaibigan man ang dalawa.

“Lahat naman ng boys sa The Good Son, friends sila.

“Sa akin, alam [ko] naman kung ano ang dapat at hindi. 

“Sa akin, kung gusto nilang maging friends, sige,” pahayag ng 22-year-old actress.

Sa kabila ng hindi magandang paghihiwalay nina Elisse at Jerome, pareho namang professional ang dalawa, kaya walang nababalitang problema sa kanila sa set ng teleserye.

Pero inamin ng young actress na hindi sila nag-uusap o nagpapansinan sa set ni Jerome, lalo ’t wala naman daw chance para rito.

“Siyempre work kasi ito, and wala na rin naman dapat pang problemahin when it comes to the past.

“Usap o batian? Hindi naman kasi kami masyadong nagkakaeksena, so walang chance. Wala namang ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elisse sa studio ng ASAP noong Linggo, January 21.

FOCUSED ON CAREER. Kumusta naman ang samahan nila ni McCoy?

Ayon kay Elisse, “Okay naman kami.

"We’re focusing on what we should do, kasi ang dami naming dapat patunayan pa.

“Nung 2017, more on kalmado lang kami, e.

"Siyempre ngayon, since tumatagal na din kami, gusto namin na bilang partner, yun ang dini-develop namin.

“Basta okay kami. Hina-handle namin ang mga problema together.”

At dahil sa trabaho sila naka-focus ng kapareha, hindi raw nila minamadali ang isa't isa pagdating sa pag-ibig.

Saad ng dalaga, "Wala pa, pag minadali mo kasi ang mga bagay, may possibility matapos nang maaga o ano.

"Gusto kong i-enjoy yung kaming dalawa."

Nanliligaw na ba sa kanya si McCoy, gaya ng sinabi noon ng binata na balak na niyang ligawan si Elisse?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Hindi ko masagot [kung nanliligaw], nahihiya ako, e.

"Nasasakanya yun, ako, nahihiya akong sabihin na oo or hindi.

“Espesyal siya para sa akin, ang dami na naming pinagdaanan, hindi na mawawala yung pagiging special niya sa buhay ko.

“We just want to enjoy each other with work, [and with] our personal lives.”

Ano ang mga bagay na nadi-discover niya ngayon kay McCoy?

Tugon ni Elisse, “Si McCoy, hindi halata, pero yung sense of humor niya, corny.

"Pero pag siya ang bumanat, matatawa ka pa rin.

“Sobrang nakakatuwa, nakakagaan ng loob. 

"Pag tumatawa siya, nagdyu-joke siya, ang sarap sa pakiramdam.”

Nagpapasalamat naman si Elisse sa patuloy na suporta at magandang feedback ng mga manonood sa The Good Son.

“Yun nga, araw-araw lalong tumataas yung rating and pinag-uusapan siya kahit saan ako pumunta.

"Nakakatuwa na mapabilang sa isang seryeng ganun," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN