Jessy Mendiola calls out netizen saying to her: "kulang lang po kayo sa pansin"

by Rachelle Siazon
Jan 23, 2018
Jessy Mendiola to netizen accusing her of seeking attention: "Anong pagbabalandra ng katawan sinasabi mo?"

Hindi pinalampas ni Jessy Mendiola ang pambabatikos ng isang netizen sa diumano’y pagbabalandra ng aktres ng kanyang katawan sa Instagram posts nito.

Ayon sa netizen na may Instagram handle na @shielaprinsesa, sa halip na ipakita ni Jessy ang kanyang pangangatawan ay mas mabuti umanong ibahagi ng aktres ang mga makabuluhang bagay, tulad ng pagkakawanggawa.

Sabi ng netizen, "sana po ate kesa mag popost kayo o ibalandra nyo iyong katawan nyo. Try nyo po muna tumulong sa iba.

"Promise mas masarap po ang mag post sa instagram na puno ng pagmamahal iyong ginagawa nyo po.. kesa sa parang kulang lang po kayo sa pansin :) just saying ate :)"


Continue reading below ↓

Hindi nagustuhan ni Jessy ang comment ng netizen.

Buwelta ng Kapamilya actress, "@sheilaprinsesa bakit ko naman ipopost online yung pagtulong ko? Yung ganong bagay pribado yun.

"Tsaka anong pagbabalandra ng katawan sinasabi mo? Nakikita mong nakadamit naman kami ni Luis sa post na to.

"Masyado mong napapansin posts ko, unfollow ka nalang. Mwah"


Continue reading below ↓

Nagkapalitan ng sagot ang dalawa sa Instagram post ni Jessy, 25, kung saan kasama ng aktres ang boyfriend na si Luis Manzano, 36, sa Boracay.

??????

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Mismong si Luis ay sumagot din sa netizen.

Aniya, "@sheilaprinsesa — te, halatang mukhang mura shabu sa inyo ha."


Nilinaw naman ni Jessy na sinagot niya ang netizen dahil wala sa lugar ang komento nito.

Continue reading below ↓

Sagot ni Jessy sa isang fan na nagsabing "poser" ang netizen na nambabatikos sa aktres:

"ok lang kung poser siya.

"ang mahalaga maparating ko sa tao sa likod ng fake account na @sheilaprinsesa na yan na ang pagtulong sa kapwa ay hindi kailangan ipost sa social media.

"Kapag tutulong ka, tumulong ka lang."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jessy Mendiola, Luis Manzano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola to netizen accusing her of seeking attention: "Anong pagbabalandra ng katawan sinasabi mo?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results