Gladys Reyes, Christopher Roxas reaffirm wedding vows on 25th anniversary as a couple

IMAGE Rose Garcia

Gladys Reyes on successful marriage with Christopher Roxas: "Hindi ko binabago yung tatlong P ko—prayer, patience, and partnership."


Muling nagpakasal ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes sa Iglesia Ni Cristo, lokal ng Tagaytay, nitong Martes ng hapon, January 23.

Ginanap ang reception pagkatapos ng kasal sa Fernwood Gardens Tagaytay.

Twenty-five years of togetherness ang ipinagdiriwang nina Christopher at Gladys—11 taon bilang magkasintahan at 14 taon bilang mag-asawa.

Una silang ikinasal noong January 23, 2004.


Bago magsimula ang reception ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling press si Gladys.

Ayaw tawagin ng 38-year-old actress na renewal of vows ang pagpapakasal nilang muli ni Christopher dahil hindi naman daw nag-e-expire ang kasal.

Sa halip, tinawag niya itong “reaffirmation.”

Paliwanag ni Gladys, “Kasi, parang kung titingnan mo sa dictionary, pinagtibay muli.

“At palagay ko, sa bawat mag-asawa, dapat pinagdiriwang yun, e, lalo na 25 years of togetherness, and this time, parte pa ang mga anak namin.”

Patuloy niya, “Siyempre, pero matagal pa yun...

“At least ngayon, nakakapag-off-shoulder pa ako, di ba?

“Kapag twenty-five years wedding anniversary, siyempre balot-balutan na. Ninang-ninangan na ang peg.”

Mutual decision daw nila ni Christopher na magpakasal muli. Pero ang nag-udyok daw talaga sa kanila ay ang mga anak nila.

Apat ang anak nina Gladys at Christopher: sina Gian-Christophe (12), Gianna Aquisha (9), Grant-Carlin (7), at Gavin-Cale (8 months).


Saad ng aktres, “Una kasi, parang, ‘What was it like when you got married?’

"So, curious silang tatlo.

“E, siyempre, yung CD, parang ayaw nang umandar dahil CD pa nun,” pagtukoy niya sa video coverage ng kanilang kasal.

“So, sabi namin, sige, since magte-turn twenty-five of togetherness na tayo, at birthday pa ni Christophe, bakit hindi natin gawing isang malaking selebrasyon, kasama ang mga mahal sa buhay, pamilya, at mga kaibigan."

LODI COUPLE. Dahil sa tagal na ng pagsasama nila, “lodi” o idol ang turing sa kanila ng ibang couples.

Marami na kasi sa showbiz couples ang nauwi sa hiwalayan ang pagsasama, ngunit sina Gladys at Christopher ay nananatiling matatag ang pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon dito ni Gladys, “Lahat talaga, siyempre sa prayers.

“Hindi ko binabago yung tatlong P ko—prayer, patience, and partnership. Importante kasi yun.

“Yung prayer, sa Ama naman lahat.

“Yung patience, kasama na ang respect, mahabang-mahabang tons of patience, kailangan talaga yun.

“And partnership.”

MORE CHILDREN? Idinaan naman sa biro ni Gladys ang sagot nang tanungin kung posible bang madagdagan pa ang kanilang apat na anak, lalo na’t pareho lamang silang 38 years old ni Christopher.

“Sabi ko nga, mamasyal kami sa Kota Kinabalu!” na ang ibig niyang sabihin ay “quota” na sila pagdating sa dami ng anak.

Hirit pa ni Gladys, “Hindi pa sarado ang carenderia, pero wala nang puwedeng kumain.

“Yung bintana, isinara ko na, pero yung pinto, medyo naka-half-open pa.”

Si Christopher, gusto ba ng isa pang anak?

Ayon kay Gladys, “Sabi ko nga, malay niyo, after ilang months, bigla kaming yumaman nang yumaman, why not?

“Kung kasing-ano [yaman] ni Mr. Manny Pacquiao, why not?”

THE GUESTS. Sa hanay ng celebrities na naging principal sponsors noong unang kasal nila, tanging sina Regine Velasquez at Martin Nievera ang napili nilang kunin ulit ngayon sa kanilang renewal of vows.

Ang iba ay mga kasama nila sa kanilang relihiyon, ang Iglesia Ni Cristo, ibang kaibigan at kamag-anak.

Ayon kay Gladys, “Si Ate Reg, naging close kami.

“Sabi ko talaga, this time, kasi, di ba, ang daming mga celebrities noong kasal namin?

“This time, talagang nag-concentrate kami sa talagang close sa amin pareho.

“Ako, mas close ako kay Ate Reg. Pero kay Martin, close kami pareho.”

Dagdag niya, “Lahat naman ng ninong at ninang namin, invited.

“At nagpapasalamat ako dahil kumpleto ang original bridesmaids ko—Claudine Barretto, Judy Ann Santos, yung sister-in-law ko, sister ko.”

Kabilang pa sa mga celebrity na dumalo sa renewal of vows nina Gladys at Christopher ay ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta kasama ang anak na si Pele, Angelika dela Cruz, Carmi Martin, Sherilyn Reyes at anak na si Ryle Santiago, Dino Guevarra, Bianca Lapus, at Bea Alonzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho namang sa ceremony sa kapilya lang um-attend sina Judy Ann at Wowie de Guzman, na mga kaibigan at saksi sa pagmamahalan nina Gladys at Christopher noong Mara Clara days pa lang nila.


Stories We Are Tracking

Gladys and Christopher celebrate
Gladys and Christopher celebrate "25 years of togetherness"
Gladys and Christopher: Star-studded renewal of vows
Gladys and Christopher: Star-studded renewal of vows


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN