Tommy Esguerra on ex-GF Miho Nishida's new look: "It looks good, ha!"

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Tommy Esguerra says he likes former girlfriend Miho Nishida's new look. "At first, I didn't recognize her. But then I was, like, 'This is Miho!'" he says. (Left photo) Tommy and Miho when they were still together; (right photo) Miho after her makeover. 


Mas gusto raw ni Tommy Esguerra ang hitsura ngayon ng kanyang ex-girlfriend na si Miho Nishida.

Umamin si Miho na sumailalim siya sa cosmetic surgery.

Tanong ng reporters kay Tommy, ano ang mas gusto niyang hitsura ni Miho: noon o ngayon?

Sagot niya, “Ngayon. Because she can’t change it, di ba? She’s happy, I’m happy for her.”

Ayon kay Tommy, hindi niya namukhaan ang dating kasintahan nang lumabas ang mga larawan nito pagkatapos magparetoke.

“I had no idea talaga.

“I’m shocked lang… kasi we’re having a fan party and the fans are, like, ‘Tommy, have you seen?’

"'Seen what?'

"'Have you seen ang bagong hitsura?'

“And they showed me the photo.

“At first, I didn’t recognize her.

"But then I was, like, ‘This is Miho!’”


Stories We Are Tracking

Miho Nishida confirms undergoing cosmetic surgery
Miho Nishida confirms undergoing cosmetic surgery
Miho Nishida speaks up about her
Miho Nishida speaks up about her "improved look"

Dagdag ng Filipino-American aspiring actor, “I never heard anything. I never saw anything.

"So, when I saw it, I just… nagulat lang ako, pero it looks good, ha."

Nakausap ng ilang miyembro ng press si Tommy sa SunPiology Run with Star Magic Artists, sa Camp Aguinaldo, Boni Serrano, Quezon City, noong Sabado, January 20.

MIHO'S DESIRE. Inamin din ni Tommy na nabanggit na dati sa kanya ni Miho ang plano nitong magkaroon ng makeover.

“She talked about it yata. She talked about it.

"I think she might do something like that.

“I just told her, ‘For me, I don’t care for that. If you do it or you don’t, it doesn’t matter to me.’”

Nauunawaan daw ni Tommy ang desisyon ng dating katipan na magparetoke.

“If it makes her happy, especially in this showbiz life, it’s not easy being under the scrutiny and the will of the people. It’s hard.

“So if she’s happy, that’s all you can hope for.”

Umaasa naman si Tommy na darating ang araw na makakapag-usap muli sila ni Miho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, one day. When the timing is right, di ba?

“I feel like it’s one of those things when you just don’t push it. You don’t actively seek for it.

"If it comes in your life, if it happens, we’ll talk."

Naiulat ang paghihiwalay nina Tommy at Miho noong April 2017 pagkatapos ng higit isang taong relasyon.

Nagsimula ang pagli-link sa kanila nang parehong maging housemates sa Pinoy Big Brother 737 noong 2015.

Paglabas ng PBB house, pinasok ng dalawa ang showbiz at naging magka-love team.

Nauwi rin sa totohanan ang kanilang relasyon.

Sa ngayon ay nali-link si Miho sa actor-singer na si Young JV.

Si Tommy naman ay wala pang nababalitang bagong karelasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN