Kate Valdez says Gil Cuerva knows she is crushing on him

IMAGE Noel Orsal

Newbie Kate Valdez is flattered to be compared to Liza Soberano: "Oh my God, sobrang ganda ni Ate Liza, tapos ako yung mako-compare? Pero gusto ko makilala nila ako as Kate, as ako."


Isa si Kate Valdez sa itinuturing na may pinakamagandang mukha sa mga baguhang artista sa bakuran ng GMA Network.

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ng newbie actress, “Siyempre po, masarap po sa pakiramdam iyon, sobrang saya.

“And heartwarming na makasama dun sa pinakamagagandang faces sa GMA, sobrang blessed and thankful po ako.”

May crush ba si Kate tulad ng ibang teenagers?

“Naku-cute-an lang po... si Kuya Gil Cuerva,” pag-amin ng 17-year-old actress.

Parehong baguhan sina Kate at Gil. 

Si Kate ay napanood sa mga Kapuso teleserye na Destiny Rose (2015-2016) at Encantadia (2016-2017).

Si Gil naman ay naging leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy version ng Koreanovela na My Love From The Star (2017).

Alam ba ni Gil na crush siya ni Kate?

Ayon sa dalaga, “Nagkasama kami sa workshop.

"Ako, medyo nao-awkward-an ako, pero sa kanya, wala naman.

“Mabait naman si Kuya Gil, siya nga po yung naging leader namin sa team.

“Alam po niya kasi medyo iba yung tingin niya.

"Pero okay lang po, wala naman kay Kuya Gil."

Ang co-star ni Kate sa Encantadia na si Mikee Quintos daw ang dahilan kaya nabistong crush niya si Gil.

Nangyari raw ito sa travel show ng GMA na Roadtrip.

“Si Mikee po kasi, pinilit akong paaminin.”

It follows ba na si Gil ang choice ni Kate maging leading man sakaling i-launch siya ng GMA-7 sa isang teleserye?

Tugon niya, “As of now, ipinapaubaya ko po sa GMA kung sino po yung ibibigay nila sa akin.

“Kahit sino po puwede po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kate sa presscon ng bagong Kapuso primetime series na Sherlock Jr., sa Cities Events Place, Quezon City, noong Lunes, January 22.

LIZA LOOK-ALIKE. May mga netizen na ikinukumpara si Kate sa Kapamilya young actress na si Liza Soberano.

Magkahawig daw kasi sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon dito ni Kate, “Sobrang blessed!

"Si Liza Soberano na siya, ako newbie lang, naku-compare pa ako.

“Oh my God, sobrang ganda ni Ate Liza, tapos ako yung maku-compare?

“Pero gusto ko makilala nila ako as Kate, as ako.”

Sa edad na 17, hindi pa raw siya nagkaroon ng boyfriend. Wala rin daw nanliligaw sa kanya.

Tila mahirap paniwalaan dahil maganda siya.

“Hindi ko po alam... wala po, e!” natatawa niyang sabi.

Ayaw pa ba siyang paligawan ng parents niya?

“Ako po yung may desisyon na ayaw ko po.”

Kailan siya tatanggap ng manliligaw?

“Siguro po, twenty or twenty-one, kapag kaya ko na how to handle commitments and stuff.”

Samantala, ang Sherlock Jr. ay eere simula sa Lunes, January 29.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN