Xian Lim still not clear about relationship status with Kim Chiu

IMAGE Glenn Regondola

Xian Lim on Europe vacation with Kim Chiu: "Ano lang, para makahinga, getting fresh air, enjoying our vacation, kasi ang tagal na rin naming hindi nagawa yun. Especially sa akin... si Kim madalas magbakasyon 'yan, even with family."


Aminado si Xian Lim na mahal na mahal niya si Kim Chiu, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang opisyal na pag-amin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ito ay sa kabila ng marami nang patunay sa sweet moments nila together na ginagawa lamang ng mga magkarelasyon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa contract signing niya sa Viva Artists Agency noong January 23, hindi maiwasang kulitin siya kung hindi pa rin ba lumi-level up ang relasyon nila ni Kim.

Paliwanag ng bagong Viva talent, “Ili-level up pa ba? Dapat lagi naman.

"Alam niyo na 'yan. Laging dapat nagli-level up.

"At diyan sa tanong na 'yan, dapat huwag muna nating pangunahan dahil baka ma-jinx natin, di ba?"

????????

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Sa tingin ba niya, isang potential housewife si Kim?

Nakangiting pahayag ni Xian, "Huwag muna nating pangunahan ang mga bagay-bagay.

"Parang alam mo na... Alam mo, ang tingin ko diyan ay parang tattoo, di ba?

"Ang tattoo, sometimes, nabu-boodle, e."

Dugtong pa niya, "Kasi, hindi talaga namin pinag-uusapan yun—yung score between her and me.

"We're just posting, we're just sharing whatever we do.

"Yung travel namin [sa Europe], treat namin sa isa't isa.

"Ano lang, para makahinga, getting fresh air, enjoying our vacation, kasi ang tagal na rin naming hindi nagawa yun.

"Especially sa akin... si Kim madalas magbakasyon 'yan, even with family."


Stories We Are Tracking

Kim Chiu and Xian Lim spellbound by northern lights
Kim Chiu and Xian Lim spellbound by northern lights

NEW DISCOVERIES. Anu-ano pa ba ang discoveries niya kay Kim sa halos araw-araw nilang pagsasama?

Saad ng 28-year-old actor, "Being with a person every day, na magkasama kayo every day, ang dami pala rin talagang...

"Like, sa akin, kapag hindi ko nakukuha yung maganda…

“Kasi masyado siyang metikuloso sa IG [Instagram], kapag di ko siya nakukunan nang maganda, 'Ano ba?'

"Pero kapag nakukunan ko siya na maganda at sasabihin ko na ako ang kumuha niyan, sasabihin niya, 'Ako naman ang nag-frame niyan, ha?' Yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero basically, one takeaway para sa akin, tulungan talaga kami."

THE TRUTH. Ano naman kaya ang masasabi ng loyal KimXi fans na hanggang ngayon ay wala pa ring inaamin ang mga idolo nila?

Sa palagay kaya nila ay deserving sila sa katotohanan ng totoong namagitan sa kanila?

Ayon kay Xian, "Alam nila yun, alam nila yun.

"Ngayon, sa lahat ng... nag-i-smile lang sila. Ha! Ha! Ha!

"I mean, hind naman po kami madamot.

"When it comes to pictures, alam nila ang lahat ng mga ginagawa namin.

"What you see, buong puso naming ibinibigay sa kanila.

"Kumbaga, sini-share din naman."

Sa sobang closeness nila ni Kim, hindi ba mas maganda kung alam ng mga tao kung ano ba talaga sila? Para walang duda o kaya pag-isipan sila nang hindi maganda?

Mabilis na sagot ni Xian, "Hayaan mo sila. Hayaan mo sila!

"But again, I'm so grateful with all the supporters who stood by us.

"Maraming salamat sa lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN