Bela Padilla reveals reason why she broke up with Neil Arce

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Bela Padilla explains why she broke up with ex-boyfriend Neil Arce: "Pinili ko talaga, work, wala akong ibang pina-prioritize… May cancer kasi ang dad ko, so feeling ko, kailangan kong mag-prepare kaya ako trabaho nang trabaho. Kailangan kong mag-ipon in case na mayroong mangyari. Gusto ko lang ready ako."


Mas pinili raw ni Bela Padilla ang trabaho kesa sa dating boyfriend na si Neil Arce kaya sila nag-break.

January 2017 nang kumpirmahin ng Kapamilya actress ang paghihiwalay nila ng businessman-film producer.

Matapos mapaulat ang paghihiwalay nila, matipid sa detalye si Bela tungkol sa rason nito.

Naging mailap naman si Neil sa tuwing tinatangkang interbyuhin ng press tungkol dito.

Ngunit sa panayam ni Bela sa episode ng ABS-CBN program na Magandang Buhay ngayong Huwebes, January 25, nagsalita siya tungkol sa dahilan ng breakup nila ni Neil.

Pag-amin ng 26-year-old actress, “Pinili ko talaga, work, wala akong ibang pina-prioritize…

"May cancer kasi ang dad ko, so feeling ko, kailangan kong mag-prepare kaya ako trabaho nang trabaho.

“Kailangan kong mag-ipon in case na mayroong mangyari. Gusto ko lang ready ako.

“So, for a time, wala na akong pinrioritize kundi trabaho.

"Na kahit na araw na walang trabaho, na sobrang rare, na parang every day naman may work, pag may isang araw na walang trabaho, mag-iisip ako kung anong puwede kong gawin para pagbutihin pa yung trabaho ko.

“So, nandun na lang talaga yung utak ko.

"So, nawalan ako ng oras dun sa ex ko, I guess.”

Pangungumpisal pa ni Bela, “Parang nung kailangan nang mamili, ang pinili ko, work talaga.”

Ipinakita naman daw ni Neil na nauunawaan niya ang sitwasyon ni Bela, subalit naawa raw ang aktres sa nobyo dahil hindi na niya ito nabibigyan ng oras at panahon.

Saad niya, “Naintindihan niya, sobra.

"Pero parang ako na yung nagsabi, ‘Kawawa ka naman. Hindi talaga kita mabigyan ng oras.’

“Parang deserve naman niya ng tao na kaya siyang kausapin.

"Parang minsan, imbes na kausapin ko siya, itutulog ko na lang, kasi wala talaga akong tulog.

“So, sumasama na yung loob ko para sa kanya.

“Parang hindi naman ito yung deserve mo. Sobrang bait na rin naman niya talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Bela, single siya ngayon kahit na nali-link sa aktor na si Zanjoe Marudo.

Si Neil naman ay masaya sa napapabalitang girlfriend niya ngayon na si Angel Locsin.


Stories We Are Tracking

Bela on breakup with Neil:
Bela on breakup with Neil: "We already felt it coming."
Angel Locsin, Neil Arce intend to achieve forever together
Angel Locsin, Neil Arce intend to achieve forever together


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN