Mike Tan marries longtime non-showbiz girlfriend in a very private ceremony

IMAGE Noel Orsal

Very private daw ang ginanap na kasalan sa pagitan ni Mike Tan at ng non-showbiz girlfriend nito noong Lunes, January 22. Puro malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang daw ang imbitado sa okasyon. 


Si Mike Tan ang tinutukoy sa blind items na aktor na nagpakasal sa kanyang longtime non-showbiz girlfriend ngunit piniling huwag itong isapubliko.

Sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang mapagkakatiwalang source, very private daw ang kasalan dahil tanging malalapit na kamag-anak at kaibigan ang imbitado.

Ginanap ang kasalan sa isang hindi malayong probinsiya noong Lunes, January 22.

Ayon sa mga nakasaksi, sobrang masaya raw ang newlyweds sa okasyon.

Halos 12 taon nang magkarelasyon si Mike at ang non-showbiz girlfriend na ipinakilala lamang niya noon sa kanyang interviews bilang si "Cris."

Ayon pa sa Kapuso actor, hindi raw selosa ang kanyang longtime girlfriend.

“I make sure na hindi siya magseselos.

“Ipinapaliwanag ko sa kanya, sinasabi ko sa kanya bago ko pa gawin.

“Kasi doon mabubuo ang trust niyo sa isa’t isa.

“I always talk to her, tuwing may trabaho, kung sino ang makaka-partner ko.

“Open kami sa lahat ng bagay na hindi niya unang malalaman sa internet o sa diyaryo.

“Una niyang malalaman sa akin, hindi sa ibang tao.”


Stories We Are Tracking

<p>Mike Tan not yet marrying girlfriend of 10 years</p>

Mike Tan not yet marrying girlfriend of 10 years


BEST TWELVE YEARS. Noong Lunes din, nakapukaw sa pansin ng netizens ang Instagram post ng talent manager at radio anchor na si Noel Ferrer.

Ito ay isang larawan na tila kuha sa reception ng kasal.

Nakatagilid ang isang lalaki at isang babae habang nagsusubuan ng cake.

Bagamat hindi kita ang mukha ng mga nasa larawan, kamukha ni Mike ang lalaki.


Caption ni Noel sa kanyang Instagram post: “LITTLE DO PEOPLE KNOW THAT THEY WERE TOGETHER FOR 12 YEARS.

"And in those 12 years, he has broken all the rules of a good relationship but has always managed to go back to her.

"She always asks the hard questions, but in the process, they both have learned that their love is greater than all their challenges combined.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She was his crush since 1998 and would insist on buying pandesal in bakery near his home. And from the time he took noticed of her, he knew that he was gonna get serious with her.

"Today, they got married in a very simple, solemn and meaningful ceremony in front of their closest friends and family.

"Thank you for making us part of your affirmation of love and commitment to God and to one another.

"BEST WISHES! #WeMadeItThroughTheRain."

LITTLE DO PEOPLE KNOW THAT THEY WERE TOGETHER FOR 12 YEARS. And in those 12 years, he has broken all the rules of a good relationship but has always managed to go back to her. She always asks the hard questions, but in the process, they both have learned that their love is greater than all their challenges combined. She was her crush since 1998 and would insist on buying pandesal in bakery near his home. And from the time he took noticed of her, he knew that he was gonna get serious with her. Today, they got married in a very simple, solemn and meaningful ceremony in front of their closest friends and family. Thank you for making us part of your affirmation of love and commitment to God and to one another. BEST WISHES! #WeMadeItThroughTheRain

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

 

Tinanong ng PEP.ph si Noel tungkol dito ngunit hindi pa siya nagbibigay ng kasagutan.

Sa Pebrero ay magsisimula na ang bagong teleserye ni Mike sa GMA Network, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Tiyak na maraming miyembro ng media ang nag-aabang na ma-interview ang StarStruck 2 male winner upang usisain tungkol sa kanyang pagpapakasal.

Dito na kaya magsasalita si Mike kung bakit pinili niyang maging pribado ang kanyang kasal?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN