Lea Salonga, Enchong Dee, Ethel Booba react to Mocha Uson's Mayon Volcano boo-boo

IMAGE Facebook photo of Mocha Uson (main)/Screengrab from Twitter account of Ethel Booba

Ethel Booba on Mocha Uson's (in photo) mistake about Mayon Volcano's location: "Sa sobrang gulo ng Pilipinas, yung mga lupain natin naglilipatan na. Spratlys lumipat na sa China, sunod yung Bulkang Mayon pumunta na sa Naga. Charot!"


Hindi pa man humuhupa ang isyu sa pagbibigay ng award sa kanya ng University of Sto. Tomas Alumni Association, muli naging sentro ng batikos si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagkakamali niya kung saan matatagpuan ang Bulkang Mayon.

Sa pamamagitan ng Facebook video, ipinaliwanag ni Mocha ang dahilan ng pagsauli niya ng award na iginawad sa kanya ng UST Alumni Association.

Binatikos din ng kontrobersiyal na personalidad ang kanyang mga kritiko sa paglilihis diumano ng kanilang atensiyon sa mas makabuluhang isyu ngayon sa bansa.

Ngunit habang binabanggit ang ilang araw nang pagiging aktibo ng Mayon Volcano, nagkamali si Mocha ng lugar na sinabi kung saan ito matatagpuan.

Sabi ni Mocha: “Ginagamit po ng ilang mga tao ang issue na ito, itong maliit na issue sa award para pagtakpan yung issue ng Dengvaxia, issue ng pagtanggap diumano ni Senator Drilon ng pera galing kay Napoles, at ang pinakamahalaga pa yung nangyayari sa Naga, 'yang pag-aalburuto ng Mayon Volcano, dapat doon po nakatuon ang ating mga balita.”

CELEBS REACT. Agad na naging viral ang parteng ito ng kanyang video at umani ng mga batikos at biro mula sa netizens.

Kabilang sa nagbigay ng reaksiyon ang celebrities tulad nina Lea Salonga, Enchong Dee, at Ethel Booba.

Sa kanyang Twitter account, pabirong sinabi ni Enchong, na tubong-Naga City, "Makauwi nga sa probinsya ko... balita ko may bago kaming bulkan #NagaCity"

Patawa namang inugnay ni Ethel ang pagkakamali ni Mocha sa isyu ng Pilipinas at China sa Spratly Islands.

Aniya, “Sa sobrang gulo ng Pilipinas yung mga lupain natin naglilipatan na. Spratlys lumipat na sa China sunod yung Bulkang Mayon pumunta na sa Naga. Charot!”

Sabi naman ni Lea, “With all due respect, we can’t change geography. That is all.”

Agad namang inamin ni Mocha na nagkamali siya sa lokasyon ng Bulkang Mayon sa kanyang sumunod na video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip na Naga, nasa Bicol umano ang Mt. Mayon.

Sabi pa niya, “Pasensya na po, tao lang, nagkamali.”

Pero katulad ng nauna, ginawa pa rin itong katatawanan ng maraming netizens dahil sa hindi nasabi ni Mocha kung saang partikular na probinsiya matatagpuan ang Bulkang Mayon.

Ang Mayon Volcano ay nasa probinsiya ng Albay na bahagi ng Bicol region.

Samantala, ang lungsod ng Naga ay nasa Camarines Sur, na bahagi rin ng Bicol region.

MOCHA GIRLS REACT. Samantala, ipinagtanggol naman ng Mocha Girls ang lider ng kanilang grupo.

Sa kanilang Facebook page, nag-post ang Mocha Girls ng screenshot ng post ni Enchong at personal na inatake ang Kapamilya actor.

Sabi sa post, “Ano ang tawag mo sa lalaking nangbubully ng babae? BAKLA o SUPOT?

“Ganito po kasi ang nangyari, nagkamali si ate mocha sa fb live niya na sinabi niya na ang mayon volcano ay nasa naga, humingi na sya ng sorry sa pgkakamali nya pero ang mga bashers binully pa rin sya kasama na dyan si enchong.

“Kaya yan po ang tanong namin.”

Sa ngayon ay walang anumang reaksiyon si Enchong tungkol sa mensahe ng Mocha Girls sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN