Mark Anthony Fernandez breaks silence on "fake news" that he impregnated two lady officers in jail

IMAGE Jojo Gabinete

Mark Anthony Fernandez on his 15 months imprisonment: "Yung buong stay ko doon, yung buong time ko doon was the lowest moment of my life. Pero come to think of it, kahit papaano, napatigas niya ako. Pero yun ang lowest moment ng buhay ko. Every day was a sad day."


Sa kauna-unahang pagkakataon, binasag ni Mark Anthony Fernandez ang pananahimik tungkol sa balitang dalawang policewomen diumano ang nabuntis at naanakan niya habang nakakulong siya sa Pampanga Provincial Jail.

"Fake news po yun," tanggi agad ng aktor.

Dagdag pa ni Mark, "Actually, si Miss Clau [Claudine Barretto] ang nagbanggit sa akin na, 'Uy, nasa news ka. I-check mo.'

“Wala po talagang nangyari. Hindi totoo.

"Nagawan lang ng isyu, nagawan lang ng kuwento."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark pagkatapos ng contract signing niya sa Viva Artists Agency, sa Viva office, ngayong Huwebes, January 25.

FREE MAN. Isang taon at tatlong buwan nakulong si Mark sa Pampanga Provincial Jail dahil sa marijuana possession.

Noong December 22, 2017 ay nakalaya ang 39-year-old actor.

Ano ang unang ginawa ni Mark nang malaman niyang makakalaya na siya?

Saad niya, "Naluha ako, tapos nagdasal muna ako.

"Nagyakapan kami ng lawyer ko, si Attorney Sylvia Flores, tapos nagpaalam ako sa inmates ko."

Nag-sorry ba siya kanyang ina na si Alma Moreno?

Ayon kay Mark, "Nag-sorry ako, paulit-ulit, last year pa.

"Sabi ko, 'Pasensiya na sa mga perhuwisyo, sa mga kasalanan ko sa 'yo. Ipinapangako ko, hindi na mauulit.'"

Pinagsisihan daw niya nang husto ang nangyari at walang araw na hindi siya malungkot sa 15 buwang pagkakakulong.

Lahad niya, "Yung buong stay ko doon, yung buong time ko doon was the lowest moment of my life.

"Pero come to think of it, kahit papaano, napatigas niya ako.

"Pero yun ang lowest moment ng buhay ko. Every day was a sad day.

"Yung buong kontrobersiya, yung buong nangyari sa akin, pinagsisihan ko.

"Mas mag-iingat na ako kapag lumalakad."

MARIJUANA POSSESSION. Nilinaw rin ni Mark kung bakit siya nahulihan ng marijuana noong October 3, 2016.

Lahad niya, "Bale nagma-marijuana ako dati, hindi dahil addict ako.

"Ginagamit ko yun para sa medical purposes. Ginagamit ko yun para sa sakit ko na bulimia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkasakit ako ng bulimia. Isinusuka ko yung mga kinakain, tulad ng sakit ni Karen Carpenter.

"Bulimia muna ang sakit niya na naging anorexia nervosa."

Si Karen Carpenter ang singer ng duo na Carpenters. Namatay siya noong February 4, 1983 sa edad na 33.

VIVA ARTIST. Nagpapasalamat si Mark kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films at kay Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artists Agency dahil sa malaking pagkakataong ibinigay sa kanya para makabalik siya sa showbiz.

Kuwento ng aktor, "Sabi ni Boss Vic, panghabambuhay ang kontrata ko sa kanya.

"Nagpapasalamat ako sa kanila, pati sa mga tao na nagdasal para makalaya ako. Mahal na mahal ko po sila.

"Nakagawa na ako dati ng pelikula sa Viva Films.

"Ngayong si Boss Vic na ang manager ko, parang nakita ko sa kanya na masayang-masaya siya.

"Sinabihan niya ako na, ‘Mark, hanggang pagtanda na natin ‘to, ha?’

"Ako naman, touched and honored na happy si Boss Vic na part na ako ng family nila."

Isiniwalat din ni Mark na ang dating girlfriend na si Claudine Barretto ang tumulong sa kanyang lumipat at pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN