Lea Salonga puzzled by big uproar on Mayon gaffe more than Dengvaxia controversy

IMAGE Noel Orsal

Ipinagtataka ni Lea Salonga kung bakit mas maingay pa ang pagkakamali ng isang tao sa tamang lokasyon ng Bulkang Mayon kaysa mas malaking problema dulot ng Dengvaxia vaccine. 


Pagkatapos punahin ng Broadway star na si Lea Salonga ang pagkakamali ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa tamang lokasyon ng Bulkang Mayon, nagtataka naman siya kung bakit ganun na lamang ang ingay sa pagkakamaling ito laban sa iba pang mas importanteng bagay.

Sa mga komento ng netizens sa tweet ni Lea tungkol sa geography, sinagot niya ang ilan sa mga ito.

Ayon sa Pinoy pride, bakit mas pinahahalagahan pa ng mga tao ang ganitong bagay kahit may mga buhay na nakasalalay sa iba pang malalaking isyu.

Partikular na ang isyu ng Dengvaxia vaccine, na siyang itinuturong dahilan ng pagkamatay umano ng mga batang naturukan nito.

Sabi ni Lea tungkol kay Mocha, “I laud her for admitting the mistake. That takes humility to do."

Patuloy niya, "As for dengvaxia, speaking as a parent, I am enraged that it happened.

"I’m surprised the outrage isn’t bigger given how many children have been endangered."

Ang Dengvaxia ay ang dengue vaccine na nabili ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino mual sa pharmaceutical company na Sanofi.

Nasa lagpas 800,000 elementary pupils ang naturukan nito at ilan na diumano sa nakatanggap ng bakuna ay namatay.

Kasalukuyang nagkakaroon ng imbestigasyon ang senado tungkol sa diumano’y maanomalyang proyekto na may halagang halos tatlong bilyong piso.


Stories We Are Tracking

Lea, Enchong, Ethel react to Mocha Uson's Mayon boo-boo
Lea, Enchong, Ethel react to Mocha Uson's Mayon boo-boo


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN