Angelica Panganiban takes a swipe at ex-BF's new GF: "Inagaw mo lang 'yan sa akin!"

IMAGE Instagram @iamangelicap

Angelica Panganiban has a telling message to an ex-boyfriend and his new girlfriend: "Kung makapag-post kayo, akala niyo mga wala kayong sinaktan. Kunyari masaya kayo, e, di wow!"


Hindi napigilan ni Angelica Panganiban na magpatutsada kung paanong inagaw umano ng ibang babae ang kanyang dating karelasyon.

Sa final episode ng #AskAngelica sa YouTube, na may petsang January 24,  nagbigay si Angelica ng relationship advice sa mga sitwasyong hango sa ilang sikat na romance-drama films ng Star Cinema.

Kapansin-pansin dito ang pahayag ng aktres sa tanong kung dapat pa bang ipaglaban ang ex na dating “one great love,” pero ngayon ay may karelasyon nang iba.

Pahayag ni Angelica, “Naku! May kilala akong ganito ngayon.

"Yung asawa niya, may relationship siya ngayon dun sa ex niya.

“Sana nanonood talaga yung babaeng yun.

“Diyos ko! Tigilan niyo yung may mga asawa. Tigilan niyo yung may mga karelasyon na.

“Pag may karelasyon na, huwag niyo piliting sirain.”

Sa puntong ito, inihayag ng Ang Dalawang Mrs. Reyes actress ang inis sa mga kasong may third party.

"Maghanap kayo ng iba! Ang daming lalaki, ang daming babae!

“Huwag niyong guluhin yung mga taong masasaya. 'Yan kayo, e! Iba kayo!

“Ano, nagkaubusan ng lalaki? Hindi. Wag kayong ano!

"Pag may relasyon na, may relasyon na! Huwag niyong inaagaw!"

Biglang hugot si Angelica sa sariling karanasan at nagpatutsada sa hindi pinangalanang magkarelasyon, na panay ang post ng litrato sa social media.

Aniya, "Tapos kung makapag-post kayo, akala niyo mga wala kayong sinaktan.

"Kunyari masaya kayo, e, di wow!

“Di ba? Parang tanga 'tong mga ‘to. Parang hindi ka inagawan.

“Hoy, excuse me, ha! Inagaw mo lang 'yan sa akin! Tapos, ikaw pa ang proud. Hayerp!

“Tigilan niyo ‘yang mga ano... Hindi kayo nakakatuwa."

Sa naunang yugto ng #AskAngelica noong January 19, nagpahaging na rin si Angelica sa bagong girlfriend ng kanyang ex-boyfriend.

Pilit daw sinira ng hindi pinangalanang babae ang relasyon ng aktres at ng kanyang karelasyon noon.


Stories We Are Tracking

Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF

Sa papagpatuloy ng latest episode ng #AskAngelica, tila naging mas makaluhugan ang mga clue ni Angelica kung sino ang kanyang pinatatamaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano mo maibabalik ang trust sa taong gumawa ng masama sa 'yo?  

Mariing sagot ni Angelica, “Never! Kasi trust ‘yan, e.”

Sabay patutsada niya ulit, “Yun nga, e. Hindi sila nag-Trust. Kaya yun ang kinalabasan.

"Bumibili sila ng gamit ng bata. E, 'yan, kasi nga!"

Ang Trust na binanggit ni Angelica ay brand ng condom.

Hindi kaila na tatlo ang ex-boyfriends ni Angelica na tiga-showbiz: sina Carlo Aquino, Derek Ramsay, at John Lloyd Cruz.

JOHN LLOYD-ELLEN RELATIONSHIP. Sa tatlo, si John Lloyd ang napabalitang magkakaanak sa current girlfriend nitong si Ellen Adarna.

Sa timeline ng kanilang relasyon, September 2017 umugong ang balitang nagkakamabutihan ang dalawa matapos nilang magbakasyon sa Bantayan Island, Cebu.

Nasundan ito ng humigit-kumulang isang buwang bakasyon sa Europa noong October 2017.

Nang sumunod na buwan, November 18, naiulat ng PEP.ph na buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama.

Sa gitna ng espekulasyong engaged na rin sila, nitong January 4, 2018 ay inamin ni Ellen na magkasintahan na sila ng 34-year-old Kapamilya actor.

JOHN LLOYD-ANGELICA BREAKUP. Sa kabilang banda, apat na taon naging magkarelasyon sina John Lloyd at Angelica.

Naghiwalay sila noong January 2016 sa hindi malamang dahilan.

Hindi malinaw kung may pagkakataong sinubukan nilang manumbalik ang kanilang pag-iibigan.

On record, sinabi ni Angelica sa panayam ng PEP.ph noong November 3, 2016 na nanumbalik ang pagiging mabuting magkaibigan nila ni John Lloyd.

Ganito rin ang sinabi ni John Lloyd tungkol kay Angelica nang makapanayam siya sa presscon ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home noong January 31, 2017.

GRAY AREA? Sa parehong presscon, pinabulaanan ni John Lloyd ang pagkakaugnay sa kanila ng Home Sweetie Home co-star niyang si Ellen.

Pero nang sumunod na buwan, February 6, 2017, naiulat sa PEP Alerts na namataan sina John Lloyd at Ellen na magkasama sa EDSA Shangri-La Hotel.

March 2, 2017 ay napabalitang nagbakasyon sina John Lloyd at Ellen kasama ng kanilang common friends sa Ilocos Norte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, patuloy rin ang pagiging magkaibigan nina John Lloyd at Angelica, na namataang magkasama sa isang art fair noong mid-February 2017.

Dumalo pa si John Lloyd sa isang dinner party sa bahay ni Angelica noong March 21, 2017.

At imbitado rin si Angelica sa birthday celebration ng aktor noong June 2017.


Stories We Are Tracking

A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline

Kung anu't ano man, sa pagpapatuloy ng #AskAngelica ay sinabi ng 31-year-old Kapamilya actress na mahirap ibalik ang tiwala sa oras na masira ito.

"Pagdating sa akin, malaking bagay kasi ang pagbibigay ng tiwala.

"Binigay mo 'yan nang buong-buo, e. Binigay ko 'yan sa 'yo nang purong-puro.

"Kapag nilamatan mo 'yan, hindi mo na 'yan makakalimutan. Lagi na 'yang may scar."

NEW LOVE. Sa huli, sinabi ni Angelica na umaasa siyang makakahanap din siya ng taong magmamahal sa kanya nang lubos.

"Sana may dumating sa aking tao na ganito talaga. Yung tatanggapin niya na eto yung mga nangyari sa akin.

"Tapos sasabihin niya, 'Handa akong mahalin ka hanggang makalimot ka. Hangga't dumating na yung araw na ako na yung mahal mo.'

"My god! Gusto ko ng ganun. Hay naku! Sana talaga."


Stories We Are Tracking

Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica almost hired private investigator to spy on ex-BF
Angelica almost hired private investigator to spy on ex-BF
Angelica Panganiban on heartaches: Naiyak ko naman na lahat
Angelica Panganiban on heartaches: Naiyak ko naman na lahat
Angelica Panganiban reacts to fbois falling for fgirls
Angelica Panganiban reacts to fbois falling for fgirls


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN