Julia Barretto goes on date with Joshua Garcia

IMAGE Instagram photo of Joshua Garcia

"He looked so happy, I couldn't help but take a photo. I missed this guy," says Julia Barretto about the kilig photo of Joshua Garcia that she posted on Instagram.


Matinding kilig ang hatid ng pinakahuling Instagram post ni Julia Barretto sa fans nila ni Joshua Garcia.

Isang larawan ng nakangiting si Joshua, na tila kuha mula sa kanilang date night, ang ibinahagi ng 20-year-old actress sa kanyang Instagram followers kagabi, January 25.

Sa caption nito, inihayag ni Julia ang sobrang pagka-miss sa 20-year-old actor.

Aniya, “This is him happily telling me that he has a strong core but has no abs.

“He looked so happy, I couldn’t help but take a photo. I missed this guy.”

Agad na umani ng maraming likes at positibong komento ang post na ito ni Julia.

Kabilang sa mga kinilig ay ang direktor nila sa pelikulang Love You to the Stars and Back na si Antoinette Jadaone, ang aktres na si Iza Calzado, at TV host na si Bianca Gonzalez.



Samantala, idinaan naman ni Joshua sa IG story ang pagpu-post niya ng larawan ng kanyang ka-date na si Julia.


Hanggang ngayon ay wala pang direktang pag-amin ang dalawang Kapamilya stars tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Ngunit sa press conference ng pelikula nilang Unexpectedly Yours, ibinisto sila ni Sharon Cuneta.

Sabi ng Megastar tungkol kina Julia at Joshua, “Mahal na mahal nila ang isa't isa, grabe!”

Halos ganito rin ang sinabi ni Erich Gonzales nang maging guests sila ni Julia sa Tonight with Boy Abunda.

Hindi nakasagot si Julia nang tanungin kung bakit hindi pa niya sinasagot si Joshua.

Kaya si Erich ay pabirong inilaglag ang kaibigan at sinabing, “Oo, sila na.”


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship
Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship
Erich Gonzales confirms Julia-Joshua relationship
Erich Gonzales confirms Julia-Joshua relationship


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN