Is this Ellen Adarna's answer to Angelica Panganiban's allusions?

IMAGE Noel Orsal

While Angelica Panganiban's (left) allusions to her ex-boyfriend went viral online, Ellen Adarna (right) posted a video of her and her friends singing a Cebuano song titled "Pero Atik Ra." The song is about being a victim of a player or commonly called now as "paasa."


Si Angelica Panganiban ba ang pinatatamaan ni Ellen Adarna sa pagkanta nito ng Cebuano song na "Pero Atik Ra"?

Hindi naiwasan ng ilang netizens ang maintriga nang makita nila ang Instagram Story  ni Ellen kahapon, January 25.

Habang nagkakatuwaan, sinabayan ni Ellen at mga kaibigan ang kantang “Pero Atik Ra,” isang Cebuano song na pinasikat ni Jacky Chang.

Sa naturang parte ng video, maririnig si Ellen at mga kasama na kinakanta ito: “Dili na ko mag-assume/Dili na ko magpada/Dili na ko magpatonto nimo nga paasa.”

Sa Tagalog: “Hindi na ako mag-a-assume/Hindi na ako magpapadala/Hindi na ako magpapaloko, sa'yo na paasa.”


PARINIG NI ANGELICA. Nitong mga nakaraang araw, lumabas ang tila mga parinig ni Angelica Panganiban sa kanyang ex-boyfriend at bago nitong girlfriend, na pareho niyang di pinangalanan

Sa #AskAngelica show ng Kapamilya actress sa YouTube, tinanong siya kung paano niya haharapin ang ipinalit sa kanya ng ex-boyfriend niya.

Sagot ni Angelica, “Hindi ko alam. Baka masaktan ko yun.

“Kasi, unang-una, hindi naman ako pinalitan.

"Pinilit, e. Pinilit sirain yung relasyon. Kaya may galit."

Sa isa pang video, tinanong si Angelica kung dapat pa bang ipaglaban ang ex na dating “one great love,” pero ngayon ay may karelasyon nang iba.

Payo ng Kapamilya actress, "Pag may karelasyon na, huwag niyo piliting sirain.”

Sa kanyang sumunod na pahayag, tila naging personal na ang sagot ni Angelica.

Aniya, "Maghanap kayo ng iba! Ang daming lalaki, ang daming babae!

“Huwag niyong guluhin yung mga taong masasaya. 'Yan kayo, e! Iba kayo!

"Ano, nagkaubusan ng lalaki? Hindi. Wag kayong ano!

"Pag may relasyon na, may relasyon na! Huwag niyong inaagaw

Dagdag na hugot pa ni Angelica, "Tapos kung makapag-post kayo, akala niyo mga wala kayong sinaktan.

"Kunyari masaya kayo, e, di wow!

“Di ba? Parang tanga 'tong mga ‘to. Parang hindi ka inagawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hoy, excuse me, ha! Inagaw mo lang 'yan sa akin! Tapos, ikaw pa ang proud. Hayerp!"

Tatlong aktor ang kilalang naging ex-boyfriend ni Angelica—sina Carlo Aquino, Derek Ramsay, at John Lloyd Cruz.

LOOKING BACK. Bagamat hindi tinutukoy ni Angelica kung sino ang ex-boyfriend na sinasabi niya sa kanyang mga naging pahayag, may ilang netizens na iniuugnay ito sa dating boyfriend niyang si John Lloyd Cruz at ang kasalukuyang girlfriend nitong si Ellen Adarna.

Apat na taon ang itinagal ng relasyon nina Angelica at John Lloyd, na natapos noong January 2016.

Matapos ang ilang buwan, may mga pagkakataong nakitang magkasama sina Angelica at John Lloyd. Ngunit hindi malinaw kung sinusubukan nilang ibalik ang kanilang pag-iibigan.

Sinabi lang nilang dalawa sa magkahiwalay na panayam na mabuti silang magkaibigan.

Samantala, kapansin-pansin naman ang pagkakamabutihan nina John Lloyd at ni Ellen nang maging bahagi ang huli ng weekly ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home noong 2017.

Pero kahit nali-link sa isa't isa, may mga pagkakataon pa ring nagkasama sina Angelica at John Lloyd: sa isang art fair noong February 2017, sa birthday ng aktres noong March 2017, at sa birthday ng aktor noong June 2017.

Naging mas matindi ang ugong tungkol sa pagkakamabutihan nina John Lloyd at Ellen nang magbakasyon sila sa Cebu noong September 2017.

Nasundan pa ito ng bakasyon nila sa Europa noong October 2017.

Noong November 2017, ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbubuntis ni Ellen, at si John Lloyd ang ama.


Stories We Are Tracking

Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica to ex-BF's new GF:
Angelica to ex-BF's new GF: "Inagaw mo lang 'yan sa akin!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN