Matt Evans wishing for a chance to work with Marian Rivera: "Kahit extra lang, game ako!"

IMAGE Noel Orsal

Matt Evans is now under the care of Rams David of Triple A Management, the same company that handles the careers of Marian Rivera and Maine Mendoza.


Kalilipat lang ni Matt Evans sa GMA-7 sa pangangalaga ni Rams David ng Triple A Management.

At ayon sa aktor, “Naglakas-loob lang po talaga ako. Ako po talaga mismo ang lumapit kay Sir Rams.

“Una po sa lahat, nung nagpaalam po ako sa ABS [-CBN], grabe po yung mga feedback na narinig ko po tungkol kay Sir Rams.

“Na sobrang mabait, maalaga, matalino.”

Kapatid na rin ni Matt sa manager ang dalawang reyna ng GMA na sina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Reaksiyon niya, “Hindi ko po ini-expect talaga na ganun po, hindi ko po alam yun nung umpisa.

"As in ang pinaka-naging idea ko lang po is kung paano talaga mag-handle si Sir Rams.

“Pero nung nalaman ko po, sabi ko, ‘Grabe pala, kaya naman pala ganun siya kagaling!’

Mas nakilala raw niya ang talent manager sa character actor/comedian na si Archie Alemania na alaga rin ng Triple A.

Isang beses pa lang raw niyang nami-meet si Marian, sa isang event noong wala pa si Matt sa GMA.

“Si Maine po, hindi pa, hindi ko pa po nakikita.”

At tulad ng ibang artistang lalaki, nais ni Matt na makasama sa isang soap opera si Marian.

“Opo, kahit extra lang, game po ako!

“Sino ba naman ang hindi po siya gustong makatrabaho?”

Nakausap namin si Matt sa presscon ng Sherlock Jr. ng GMA na ginanap nung Lunes, January 22, sa Cities Events Place sa Quezon City.

Ang Sherlock Jr. ay eere na sa Lunes, January 29, sa Kapuso network.

PEDRO PENDUKO CHALLENGE. Si Matt ang gumanap na Pedro Penduko sa ABS-CBN noong 2006.

Balitang gagawin ito ni James Reid sa isang pelikula ng Viva Films, may mensahe ba si Matt para kay James?

“Well, siyempre good luck po! Napaka-challenging po ng role ni Pedro Penduko

“Kung titingnan parang napakadali, pero… the name itself may pressure na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung sa akin po, ang pressure na pinaggagalingan ko, galing po kay Sir Janno Gibbs.”

Dalawang Pedro Penduko movies ang pinagbidahan ni Janno, noong 1994 at 2000.

Lahad pa ni Matt, “Iba po yun, kaya nung time na yun talagang grabe yung kaba ko.

“Paano ko mapapatayo yung show na nakadikit sa iyo yung pangalan na Pedro Penduko.

“Kaya simula po nung natapos po yung project hanggang ngayon na may asawa’t anak na po ako, kasal na ako, Pedro Penduko pa rin ang tinatawag sa akin.

“Talagang nagpapasalamat ako kasi kundi dahil po sa Pedro Penduko baka wala pong Matt Evans ngayong panahon na ‘to.”

Hindi pa raw niya nakakausap si James tungkol sa project.

Ang direktor daw ng bagong Pedro Penduko na si Dan Villegas ang nag-post sa page ni Matt na gagawin nga nila ito.

Sumagot daw siya sa post, “Opo, sabi ko pong ganun, paano ang gagawin nilang kuwento.

“’Tapos nung medyo fineed nila sa akin yung kuwento, natuwa po ako.”

Kung lalapit sa kanya si James at humingi ng tips kung paano maging Pedro Penduko, ano ang sasabihin niya?

“Siguro mas maging ano lang siya, paano ba sasabihin, paano ba si Pedro?

“Si Pedro kasi medyo may pagka-galawgaw, siguro medyo yung pagiging reserved.

"Medyo loose ka lang nang konti pagka nag-Pedro Penduko.

“‘Tsaka iyon po, just be yourself, enjoy niya lang.” 

Samantala, bida sa Sherlock Jr. si Ruru Madrid with Gabbi Garcia and Janine Gutierrez.

Nasa Sherlock Jr. din ang Philippine Comedy Queen Ai-Ai delas Alas, Tonton Gutierrez, Andre Paras as Pido Lumabao, Kate Valdez, Roi Vinzon, Sharmaine Arnaiz, Rochelle Barrameda, Alyana Asistio, at Sofia Pablo.

Ipapakilala rin sa show ang bagong Kapuso, si Serena, the wonder dog!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN