Alma Moreno never lost hope on son Mark Anthony Fernandez's freedom

IMAGE Jojo Gabinete

Alma Moreno on what she said to son Mark Anthony Fernandez when he was in jail: "Tandaan mo, kinakatok ka lang Niya. Ang Panginoon, kapag medyo nakakalimot ka, malakas ang katok na ginawa sa 'yo. May ibig sabihin 'yan."


Noong nakakulong si Mark Anthony Fernandez, hindi nawala ang pag-asa ni Alma Moreno na darating ang araw na makalalaya mula sa Pampanga Provincial Jail ang panganay na anak.

Si Mark ay anak ni Alma sa yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Buhat nang lumaya si Mark bago mag-Pasko noong 2017, nakatutok sa kanya si Alma dahil magkasama sila ngayon sa tahanan ng aktres sa Parañaque City.

Nang makulong si Mark sa Pampanga, nagrenta si Alma ng apartment sa Angeles City para araw-araw madalaw at madalhan ng pagkain ang anak.

Kapag may araw na hindi siya puwede, ang mga kapatid ni Alma ang bumibisita at nagdadala ng pagkain kay Mark.

Marami ang naganap sa buhay ni Alma noong nakaraang taon.

May malungkot na pangyayari dahil nakakulong si Mark, at masaya dahil nanalong Reina Hispanoamericana 2017 ang anak niyang si Teresita Ssen Marquez.

Si Teresita o Winwyn ay anak ni Alma sa dati niyang asawa na si Joey Marquez.

Pahayag ng 58-year-old actress, “Actually, noong 2017, siyempre nandoon yung lungkot, lahat...

"Pero marunong si Lord. Marunong talagang bumalanse ng lahat ng bagay.

"Pero minsan, katulad ng sinasabi ko kay Mark… bakit ba ako naiiyak?

“Sabi ko kay Mark, 'Tandaan mo, kinakatok ka lang Niya.

"'Ang Panginoon, kapag medyo nakakalimot ka, malakas ang katok na ginawa sa 'yo. May ibig sabihin ‘yan.

"'So, kung ano yung nasa iyo, Mark, kausapin mo nang direkta, humingi ka ng tawad. Saka yung pagsisisi, galing sa puso…'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alma sa contract signing ni Mark sa Viva Artists Agency nitong Huwebes, January 25.

Patuloy ni Alma, na pinipigil ang luha, “Mas masakit kapag binalikan ka uli, kaya naiyak ako nung makalabas siya.

“Nagpunta agad ako sa Our Lady of Manaoag. Kagagaling ko lang ng Manaoag, nagpunta ako sa Pink Sisters dahil sa sobrang pasasalamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Mark, palagi, pinapasulat ko ng petition kapag pumupunta ako sa Our Lady of Manaoag, sa Pink Sisters sa Baguio."

Ibinahagi naman ni Mark ang isinulat niya sa petition letter na personal na dinala ni Alma sa Our Lady of Manaoag Church sa Pangasinan at sa Pink Sisters Convent sa Baguio City.

"Sabi ko sa petition, nung time na yun, palayain ako.

"Parang awa N’yo na po, palayain n’yo po ako at sabihin N’yo po kay Judge.

"Ipinagdarasal ko rin si Judge," ang sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN