Kris Aquino ignores Jay Sonza's jab at her son Bimby

IMAGE Jay Sonza Facebook / Noel Orsal

Pinili ni Kris Aquino (kanan) na huwag nang patulan ang pambabastos umano ng dating broadcaster na si Jay Sonza (kaliwa) sa 10-taong-gulang na anak ng TV host-actress na si Bimby Aquino Yap. Sa isang Facebook post ay tinawag ni Sonza ang anak ni Kris na "baklain."


Ayaw patulan ni Kris Aquino ang pambabastos na ginawa umano ng retired broadcaster na si Jay Sonza sa bunsong anak ng TV host-actress na si Bimby Aquino Yap.

Marami ang hindi nakagusto, nabastusan, at tinawag na foul ang Facebook post ni Jay, 62, kung saan tinawag niyang "baklain" si Bimby, 10.

Kaugnay ito ng pagbabalita sa diyaryo, radyo, at telebisyon ng nangyaring swimming-pool accident kay Bimby kamakailan.


Stories We Are Tracking

Bimby rushed to hospital after swimming pool accident
Bimby rushed to hospital after swimming pool accident

Ayon sa FB post ni Jay noong January 24: “hindi [ko] alam kung matutuwa ako o malulungkot para sa Philippine media ngayon. 

"Akalain mo, nadulas lang sa swimming pool iyong baklaing (huyangon ug panglawas) si Bimby, anak ni Kris Aquino sa pangatlong kinasama niyang lalaki, headline ng maraming himpilan ng radio at telebisyon!

"Samantalang iyong pagputok ng Mount Mayon na nagdudulot ng panganib sa halos 50k at iyong patuloy na pagdami ng namamamtay sa Dengvaxia wala o di kaya pahabol na istorya lang. what, when, where, why and how?"

Si Jay Sonza ang dating ka-tandem ni Mel Tiangco sa news and public affairs program na Mel & Jay sa ABS-CBN at Partners Mel and Jay sa GMA Network.

Nagkaroon din siya ng solong programa sa TV at radyo, ang Tapatan With Jay Sonza.

Naging anchor din siya sa news programs na Saksi (GMA-7, 1988-1999), Balitang Balita (ABC, 2000-2001), at Ito Ang Balita (UNTV 2007, 2010).

NETIZENS REACT. Sa panahon ngayong nilalabanan ng karamihan ang cyberbullying, isang malaking pambu-bully at pamba-bash daw kay Bimby ang inihayag ni Jay.

Maraming netizens ang nagalit sa ginawang ito ng beteranong broadcaster at nagkomento sila sa mismong FB post nito.

Ayon kay Carlo Padilla sa post na ito ni Jay: “Wow eh sino nga naman pala yong kinasama mo??? Akala mo di alam ng publiko? Pero who cares kung iisipin private life nyo yang mag partner! Napaka bastos mo pala??? Pati menor de edad na bata isasali mo! FYI , YOU ARE VERBALLY & EMOTIONALLY / PSYCHOLOGICALLY ABUSIVE TO A 10 YEARS OLD CHILD!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Maria Fatima Brillo: “Hiyang hiya nmn po ako sir, sa tanda nyo ng yan pati bata ibu-bully mo? Ano yan, tumatanda ka ng paurong? wag ganun po sir.”

Dagdag pa ni Nooh Saim Jamel: “Pati b nman bata... Papatol k ng ganyan.. Sabihin kaya ng ibang tao yan sa anak mo o kapamilya mo. Ano kaya mararamdaman mo??? Sabihin n nating maarte sila pero wala kang karapatang manghamak o mambastos ninuman... Lalot lalo na wag kng mandadamay ng bata.. Matanda k n kaya mag-isip-isip k at Laos k n kaya wag k ng mgpasikat p...”

Sa pananaw naman ni Norvy Valero ay laging ibinabalita na sa TV ang pag-aalburoto ng Mayon Volcano. Sa Facebook niya lang daw nabasa yung balita kay Bimby.

“Actually sa facebook ko lang nakita yang balitang yan. Pag nanood ka po ng TV laging nakalive yung #MayonVolcano Ang rude nyo naman po. Hindi ko po alam kung may TV kayo or wala. Grabe po kayo.”

KRIS IGNORES NEGATIVITY. Pero ayaw nang patulan ni Kris si Jay.

Sa halip ay nag-post ito kagabi, January 25, sa kanyang Instagram account (@krisaquino) ng quote galing kay George Bernard Shaw:

“Never wrestle with pigs. You both get dirty and the pig likes it.”

Ayon pa kay Kris, 46, mas marami siyang dapat asikasuhin ngayon, lalo na ang mas dumarami niyang endorsements para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga anak na sina Bimby at Josh.

Dagdag niya sa caption ng kanyang IG post: "Pasensya na pero hindi ako pinalaki para makipagsapalaran sa kabastusan...

"I strive to earn an honest living, pay my 35% in income tax as a responsible citizen, share my blessings by opening more food outlets that will provide more jobs, continue supporting feeding & outreach programs under the missions of my Catholic Faith, and above all else be the best mother i can be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My Mom didn’t raise me to just be a survivor, she raised me to be a deserving winner.

"Kick me down, and time has taught me- someone in heaven just makes sure to strengthen my wings. #positivitywins"

Regardless of the fact that Ariel just renewed my endorsement until after elections in 2019 & i’m shooting for Safeguard next week- ayokong sayangin yung deeper clean for better freshness & anti bacterial protection na dulot nung dalawa sa higit na kwarentang produktong pinagkakatiwalaan ako. Oops good i remembered sa Saturday yung contract signing for the Philippines’ largest home grown makeup brand & on Monday i’m signing an endorsement for 1 of the biggest water providers of our country. Omg, sayang kung masira yung magandang makeup & ayoko talagang mag aksaya ng tubig na sure akong pang Healthy Family... Pasensya na pero hindi ako pinalaki para makipagsapalaran sa kabastusan... I strive to earn an honest living, pay my 35% in income tax as a responsible citizen, share my blessings by opening more food outlets that will provide more jobs, continue supporting feeding & outreach programs under the missions of my Catholic Faith, and above all else be the best mother i can be. My Mom didn’t raise me to just be a survivor, she raised me to be a deserving winner. Kick me down, and time has taught me- someone in heaven just makes sure to strengthen my wings. ???????????????? #positivitywins

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN