Former Super Sireyna winner now lives as a man: "God changed me."

IMAGE Courtesy: Mark Estephen on Facebook

Naliwanagan na raw ang Super Sireyna Queen of Flowers 2014 na si Sabel Gonzales (kaliwa) sa mga salita ng Diyos. Nilikha raw siya ng Panginoon bilang lalaki kaya nagbabalik-loob daw siya sa pagiging lalaki, pati na sa kanyang totoong pangalang Mark Estephen (kanan).


Ikinagulat at ikinatuwa ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community ang pag-anunsiyo ng Super Sireyna Queen of Flowers winner na si Sabel Gonzales na siya ay nagbabalik-loob na sa pagiging lalaki.

Si Sabel ay kilala sa gay community bilang "Julia Barretto" at ito rin ang screen name na gamit niya nang sumali sa tanyag na pakontes ng noontime show na Eat Bulaga, ang Super Sireyna Queen of Flowers, noong 2014.

Ang Super Sireyna ay beauty contest para sa gays at trans women.


Si Sabel din ang kumatawan sa Pilipinas sa Miss International Queen 2017 sa Pattaya, Thailand.

Nakapasok siya sa Top 10, ngunit ang nakapag-uwi ng korona ay ang transgender candidate mula sa host country.


BACK TO MARK. Kasabay ng pagbabalik bilang isang lalaki ay ang paggamit na niya ng kanyang tunay na pangalan—Mark Estephen.

Sa kanyang Facebook account noong Martes, January 23, sinabi ni Mark na nahanap niya ang totoong kaligayahan sa buhay sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Poong Maykapal.


Mensahe ni Mark, “It’s 2018, and I found my true happiness in life from Our Lord Jesus Christ. 

“Only God can change to you and to me... So accept and follow Jesus now as our savior and repent from our sins. 

“He is the only way , the truth and the life to be with the Father and to be in heaven.”


Bumuhos naman ang suporta at positibong komento mula sa kanyang friends at followers sa Facebook.

Sagot ni Mark sa kanila: “Thank you for all the support. Only God can changed us.

“God is transforming me for His will in my life and I know that I was born as a man, that’s the creation of God…

“I realized that I just created an idol in my own desire but not God’s desire. Now, I surrender my life to Him. All glory to God.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mark ay mula sa Anda, Pangasinan, at nakatira ngayon sa Arizona, USA.


“GOD CHANGED ME.” Tinanong ng isang follower si Mark kung bakit siya nagbago, at kung mayroon ba siyang problema.

Tugon dito ni Mark, “God changed me. He is the only one who can change us for His will.

"His love for us is eternal and everlasting. I’m just doing the right thing in my life with His guidance.

"Now, that I know the truth and following Jesus in my life, it’s a new life, new creation of God, it’s not my own desire anymore but it’s a God’s desire for my life. 

"(John 14 :6) 'Jesus saith unto him, I am the way, the truth, and the life: no man cometh unto the Father, but by me.'

"To accept Jesus Christ as our savior and declare that He is our Lord, to confess our sins, ask forgiveness, to repent, surrender our life to Him and to obey His commandments, and we will be SAVED."


Sa ngayon, nahanap na raw niya ang tunay na kalayaan.

Aniya, “I am free and I found my real FREEDOM, LOVE, EQUALITY, RESPECT , and ACCEPTANCE for being who I am and what I am because of JESUS!”

Hindi pa sumailalim sa sex reassignment surgery si Mark.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN