Angelica Panganiban admits reaching out to ex-BF for closure but did not get it

IMAGE Noel Orsal

Angelica Panganiban says she took it upon herself to have the closure that an ex-boyfriend would not give: "Ako lang ang nag-decide nun na, 'Ah, ano na 'to. Siguro wala na itong breakup,' ganyan."


Nag-reach out si Angelica Panganiban sa ex-boyfriend para humingi ng closure, pero hindi raw ito ibinigay sa kanya.

Isa ito sa mga inamin ng aktres nang pag-usapan ang kanyang past relationship sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ngayong Biyernes, January 26.

Sa isang punto ng interview, tinanong si Angelica kung may third party na sumira sa kanila ng dating karelasyon kaya siya nagalit noong una.


Stories We Are Tracking

Angelica to ex-BF's new GF:
Angelica to ex-BF's new GF: "Inagaw mo lang 'yan sa akin!"
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF

Makahulugang sagot ng 31-anyos na aktres, “Wala naman... hindi ko alam, e, hindi ako sure.

"Wala akong closure, e, so hindi ko alam. Kami pa yata, e.

“Ganun naman talaga. Nangyari ang nangyari. Nagkagalutan na lang.”

Si Angelica na raw ang nagdesisyong tapusin ang relasyon nila ng ex-boyfriend.

“Ako lang ang nag-decide nun na, ‘Ah, ano na ‘to, siguro wala na itong breakup,’ ganyan."

Sinikap daw niyang alamin sa dating boyfriend kung ano ang estado ng kanilang relasyon, pero hindi raw siya sinagot nito.

“Nag-reach out naman ako nung una na, ‘Ano na ‘to? Anong nangyari na?’

"Tapos, wala na akong narinig.

“Tapos, napanood ko na lang sa balita...”  

Ang pinakahuling naging boyfriend ni Angelica ay ang aktor na si John Lloyd Cruz, na ngayon ay malapit nang maging ama sa anak nila ng sexy star na si Ellen Adarna.

Nakarelasyon din ni Angelica noon sina Derek Ramsay at Carlo Aquino.

Sa episode ng ABS-CBN morning talk show kanina, makailang ulit ang pagpapahaging ni Angelica sa kawalan ng closure ng kanyang past relationship.

Natanong siya at si Judy Ann Santos, ang kanyang co-star sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, kung mas gusto nila ang harapang pakikipag-break up.

“Gusto ko sana, pero hindi nila ibinibigay. Hanggang text lang ba ang naipundar ko?

"Ang dami kong ginawa, ta's yung hiwalayan, hanggang text lang? I don’t deserve it,” may halong birong sambit ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa pang punto, isang lalaking message sender ang humingi ng payo kina Angelica at Judy Ann kung paano siya makikipag-break sa girlfriend na ayaw siyang pakawalan.

Payo ni Angelica, “Kailangan mong tapusin.

"Alam mo, masakit man talaga, matanggap man niya o hindi, at least siya nga nabibigyan niya ng respeto yung pinagsamahan nila, na kaya talaga niyang tapusin at sabihin na wala na.”

Hirit pa niya, “Dapat kausapin ko yung babae. ‘Buti ka nga, e, binigyan ka ng closure.’

"Kunin ko nga ang number niyan."

HAS SHE FORGIVEN? Tahasan ding tinanong si Angelica kung napatawad na niya ang dating boyfriend.

Sagot niya, “Okay naman na, okay na yun.

“Pero huwag na lang muna siyang magpakita.

“Parang hanggang ganun na lang yun.

“Puwede mo naman nang palagpasin yung nagawa, e, kasi na-gain mo naman sa experience, e, na-gain mo naman yun, sa ikinalayo naman yun ng maturity mo, e.

“Pero para magkapatawaran pa’t mag-usap, hindi naman yun kailangan.

“Lumang requirements na yun," pahayag ni Angelica. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN