Khalil Ramos rants about worsening traffic problem: "You can't get shit done here anymore."

IMAGE Noel Orsal

Idinaan na lamang sa social media ng Kapamilya star na si Khalil Ramos ang pagkadismaya sa traffic noong Miyerkules, January 24. Halos tatlong oras daw kasi siya sa kalsada sa biyaheng dapat ay nasa 20 minuto lamang. 


Hindi na bago sa Metro Manila ang usapin tungkol sa malalang trapik.

Wala na ring pinipiling oras ang pagkabuhul-buhol ng mga sasakyan sa kalsada kaya naman laging trending sa social media ang lagay ng trapiko sa bansa.

Ang mga rutang nakukuha lamang noon sa ilang minutong biyahe ay umabot na ngayon sa isang oras, dalawa o lagpas pa sa inaasahan.

Hindi pa rin tuluyang nasosolusyunan ng gobyerno ang problemang ito, kaya naman ang mga netizen na naiipit sa trapiko ay naglalabas na lamang ng galit o sama ng loob sa social media.

Katulad na lamang ng Kapamilya actor-singer na si Khalil Ramos.

Noong Miyerkules, January 24, idinaan ni Khalil ang kanyang pagkadismaya sa traffic sa pamamagitan ng Twitter.

Sabi niya, “I've come to a point of feeling pure sadness for the traffic situation here in Manila. Almost 3 hours from Parañaque to Makati???

“A route which usually takes just 20 minutes! You can't get shit done here anymore. Unbelievable.”

Hindi lamang si Khali ang artistang idinaan sa social media ang pagkainis dahil sa lumalalalang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila.

Ang ilan ay sumasakay na lamang sa MRT upang makarating sa kanilang appointment sa tamang oras.

Pero nitong mga nakalipas na buwan ay marami na rin ang nagrereklamo sa sitwasyon ng MRT dahil sa mga lumang bagon na madalas masira.

Ngayong hapon nga lamang, January 26, ay umusok ang isang bagon sa pagitan ng Kamuning at Cubao stations.


Stories We Are Tracking

Enchong Dee rides the MRT to make it to Tuhog premiere
Enchong Dee rides the MRT to make it to Tuhog premiere
Jasmine Curtis Smith  says it’s
Jasmine Curtis Smith says it’s "normal" for celebrities to take public transportation, like the MRT
Top taxpayer Vice Ganda rants about traffic
Top taxpayer Vice Ganda rants about traffic
Sharon Cuneta bashed for ranting about
Sharon Cuneta bashed for ranting about "horrible" traffic


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN