Willie Revillame treats staff, co-hosts to Macau vacation for 57th birthday

IMAGE Courtesy: Ma. Sugar Mercado on Facebook

Masayang-masaya ang Wowowin staff ni Willie Revillame (pangatlo mula kaliwa) dahil inilibre sila nito ng bakasyon sa Macau. Base sa Facebook post ni Sugar Mercado (pangalawa mula sa kanan), ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-57 kaarawan ng TV host bukas, January 27. 


Bukas, January 27, ipagdiriwang ng TV host na si Willie Revillame ang kanyang ika-57 kaarawan.

Ngunit imbes na siya ang regaluhan, inilibre niya ang buong staff at ang co-hosts ng Wowowin ng bakasyon sa Macau.

Sa post ni Sugar Mercado sa kanyang Facebook account ngayong Biyernes ng hapon, January 26, ibinahagi ng dancer-TV host ang mga larawang kuha sa airport.

Palipad na sila papuntang Macau.

Sabi niya sa caption: "Happy birthday WBR. Off to Macau."

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na 34 katao silang lahat na lumipad.

Apat na araw silang mananatili roon.

Sa episode naman ng Wowowin sa GMA-7 kanina, lahat ng 600 katao sa audience ay nakatanggap ng cell phone.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN