Robi Domingo is looking for a new "travel buddy"

IMAGE Noel Orsal

Robi Domingo on his first solo show Lakwatsero, "Siguro kaya rin ako naging emosyunal kasi ito yun, ito na yung pangarap na nagkatotoo. Ganito pala yung pakiramdam dati nila Piolo [Pascual], ganito pala ang pakiramdam ng may solo project."


Hindi napigilan ni Robi Domingo ang maiyak nang ipakilala siya bilang host ng bagong web show ng ABS-CBN Current Affairs na Lakwatsero kahapon, January 26.

Sa ginanap na press conference ng programa, pinigilan ng 28-year-old TV host ang kanyang luha habang nakatingin sa screen kung saan makikita ang logo ng kanyang show.

Para hindi tuluyang maiyak, idinaan na lang niya sa biro, “You know, I get hosting jobs because I can't act like this one right now.”

Ayon kay Robi, naiyak siya dahil ito ang unang pagkakataon na mabibigyan siya ng kanyang sariling show.

Madalas kasi ay co-host lang siya sa mga programa katulad ng reality show na Pinoy Big Brother at talent search program na The Voice. Regular din siyang host sa longtime Sunday show na ASAP.

Aniya, “Siguro kaya rin ako naging emosyunal kasi ito yun, ito na yung pangarap na nagkatotoo.

“Ganito pala yung pakiramdam dati nila Piolo [Pascual], ganito pala ang pakiramdam ng may solo project.

“Dati nasa gilid lang ako, pinapanood ang mga iniidolo ko kapag nagpe-presscon. Ngayon, ito na yun!”

Nagpapasalamat din si Robi na ipinagkatiwala sa kanya ang show na ito dahil mas nakilala pa umano niya ang sarili.

Kuwento niya, “I have lived in the world of book all my life.

“I was a big nerd in grade school, high school, and even college.

“If not for Lakwatsero and ABS-CBN, hindi ko po talaga mae-explore ang mga bagay na 'yon.

“I would be stuck in a room studying about biology or anatomy.

“But because of this show, it has given me a new perspective in life.

“Dati mukha talaga akong pera lang.

“You know, I just go and work and be financially ready in the future.

“But I got to talk to this German dude while we were traveling, ano siya azucarero, sabi niya, 'There are two kinds of riches in this world, a guy who is rich in money and a guy who is rich in character. I pray and hope that you'd be the second one.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because of this show, I've been learning so much about my world and this whole world.

“We're just so blessed and lucky.”

Mapapanood ang Lakwatsero tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes simula January 29.

CURE FOR DEPRESSION. Sa pagpapatuloy ni Robi, inanyayahan niya ang mga taong may pinagdadaanan na maglakwatsa sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Sabi ni Robi, “Sa mga nasa-sad and nade-depress out there, you just have to go out and feel that your loved by everyone, nature loves you as well.”

Nagawa rin ba ito ni Robi nang may pinagdadaanan siya?

“Dapat last year ko pa talaga gagawin ito.

“I've been trying to search for my self for the longest time but because of this program...” napapangiti na lang si Robi.

Pagkatapos ay palihis niyang sinabi, “Why would you dwell on the negative things that happened in your life if you see the beautiful marvels that you've encountered and have been encountering tulad ng mga...

“If you have seen the things that I have seen, mawawala lahat ng problema mo.”

Para sa web show na ito, binisita na ni Robi ang mga lugar tulad ng Samar, Negros, Bacolod, Iloilo, Davao, at Cebu.

TRAVEL SOLO OR WITH A BUDDY? Bagama't may kasamang crew ng show, tila solo traveler si Robi sa show na ito.

Bagay na ikinatuwa niya dahil, aniya, “It's a different kind of feeling.”

Pero sabi ni Robi, dahil din sa show na ito, “Na-realize ko rin sa lakwatsa na ito na kakaiba rin ang feeling siguro kung may kasama ka kasi mas makaka-share ka.

“Kung mag-isa ako nase-share ko lahat sa camera.

“Pero iba pa rin yung dimension or yung feeling habang tinitingnan mo yung kagandahan ng lugar tapos titingnan mo yung mukha niya.

“You will just feel complete with everything.”

Nang tanungin kung ano ang nami-miss niya sa paglalakwatsa nang may kasama, pabirong sagot niya, “Siguro dati kapag may kasama ka, yung budget hati kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng Kapamilya host, “To be more serious about that question. Siguro kapag may kasama ka sa isang lugar, mas nakukwento mo yung feelings mo, mas nagiging creative ka, mas may memory kayo about that certain area.

“Pero buti na lang pina-experience sa akin ng Lakwatsero ang mag-travel mag-isa para ma-appreciate ko ang mga bagay na yun na wala na.”

May "travel buddy" ba ngayon si Robi?

Natatawang sagot niya, “'Travel buddy'? That, yet I have to explore. Naghahanap po ako ng travel buddy ko ngayon.”

Kung sakali raw na may gusto siyang makasamang maglakwatsa, bukod sa pamilya at mga kaibigan, gusto niya na, “Kung sino ang isasama ko, kasama ko na habang buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN