Ylona Garcia happy catching up with former love team partner Bailey May

IMAGE Instagram / Dookie Ducay

Ylona Garcia (right) on current score with former love team partner Bailey May (left): "We're still good friends. We don't talk much kasi busy siya. We're both doing good. We're just really good friends and we would like to keep it that way."


Nagkita ang dating magkaparehang sina Bailey May at Ylona Garcia sa ASAP Chillout noong nakaraang Linggo, January 21.

Ang dalawang teen stars ay nagsimula sa Pinoy Big Brother 737 edition kunsaan itinanghal si Ylona bilang 2nd Teen Big Placer, habang si Bailey May naman ay nag-land sa 4th place.

Napanood ang kanilang tambalan sa ilang ABS-CBN shows tulad ng On The Wings of Love.

Si Bailey ay kasalukuyang nasa ibang bansa para sa training ng global pop group na Now United na binuo ng film and television producer na si Simon Fuller.

Nagkuwento naman agad ang young singer/actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng ASAP na sa pagkikita nila ng dating ka-loveteam ay nagkaroon ng pagkakataon para makapag-usap at magkumustahan sila ni Bailey.

Lahad niya, “Good, we were catching up naman.

“Nagkita kami sa ASAP Chillout pero nagkita kami nung nasa Star Magic, nakita ko lang siya sa Star Magic.

“Nag-usap kami like nag-catching up lang.

“He’s gonna go back para sa Now United rehearsals.”

Aminado naman si Ylona na di sila masyadong nakakapag-communicate ni Bailey habang nagte-training ito para sa grupo, pero sa kabila nito ay napanatili naman nila ang pagiging magkaibigan.

Paglinaw niya, “We’re still good friends.

“We don’t talk much kasi busy siya.

“Pero it’s okay. We’re friends.

“I feel like we don’t need much communication. We already know that.

“We’re both doing good.

“We’re just really good friends and we would like to keep it that way.”

AUDITION. Bukod kay Bailey, nag-audition din para sa Now United si Ylona at ang ibang Star Magic talents na sina AC Bonifacio at Jane de Leon, pero ang sinuwerteng napili nga ay si Bailey.

Lahad pa ng dalaga, “Nag-try din ako, nag-audition din ako dun.

“We didn’t really make paalam sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We just had a a talk, saying, 'Oh yeah, we’re excited, we'll audition for this.'

“Whatever happens, happens and whatever happens, we'll still remain friends.”

NEW LOVE TEAM PARTNER? Dahil sa pag-alis ni Bailey para sa kanyang training para sa Now United, pansamantalang nabuwag ang tambalang BaiLona, o Bailey-Ylona.

Ayon kay Ylona, open naman siya kung sakaling ipareha siya sa ibang aktor, o kaya'y i-push bilang solo actress.

Lahad niya, “Yeah, I don’t see a problem making a new love team and I don’t see a problem going solo.

“I think I am trying and opening up you know your mind to more opportunities.

“Particular love team? No, whatever happens, happens, and I just like to open my mind on trying things.

“Solo? Yeah, I don't see any reason why I shouldn't.

“Sa generation natin ngayon, everyone relies on love teams, pero we should be able to prove everybody that we can also stand on our own.

“We also have the power to be independent—not just for us girls, pero sa mga lalake din.”

Agad din naming tinanong si Ylona kung wala ba siyang nararamdamang takot na baka mahirapan naman siya pag iba na ang ka-lovet eam niya o pag nagsolo na siya.

“Fear? Wala naman, I’m just going with the flow.

“I think that’s how everyone should take it.

“If you overthink it which is what I usually do, you will really have a hard time talaga.

“I would just really go with the flow,” paninigurado niya.

NEW SHOW. Sa ngayon ay parte si Ylona ng seryeng Sana Dalawa Ang Puso Ko na pinagbibidahan nila Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla.

Pagmamalaki niya, “I’m part of Sana Dalawa Ang Puso Ko.

“Ako yung bunsong kapatid ni Robin Padilla, and it’s gonna air on January 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was great. Parang pamilya talaga.

“They’re all really nice, they’re all accomodating.

“Si Ate Jodi, I remember one time nagkasakit ako sa isang taping day namin, I had allergies.

“Sabi niya, “O, you can really have it, itong gamot na ito coz it’s really good.”

“Para siyang nanay, she’s like my Ate.”

LOOKING FORWARD TO MORE CHALLENGES. Sa pagsisimula ng 2018, nilu-look forward ni Ylona ang pagsubok sa mas maraming bagong bagay na magpapaunlad sa kanya, lalo na’t magsi-sixteen na pala siya sa susunod na buwan.

“I look forward to trying new things, I look forward to more projects sana, and I look forward to working harder than before, having fun doing my own thing.

“Magsi-sixteen na ako next month.

“Gusto ko sana private lang na dinner with my loved ones.

“I think that’s what matters to me most especially with how many years I've been in the industry.

“I feel like I value more privacy with my loved ones,” pahayag pa ni Ylona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN