Bailey May excited about Now United's launch this year

IMAGE Noel Orsal

Former PBB housemate Bailey May is excited about his ongoing training for the international pop group, Now United: "This year, we will be launched and yeah, I'm very, very excited. I feel very blessed and very happy that I represent the Philippines."


Kasalukuyang nasa bansa ngayon si Bailey May para sa isang bagong endorsement.

Pansamantala siyang nawala sa showbiz dahil napili siya bilang isa sa pinakabagong miyembro ng global pop group na Now United, ang grupong binuo ni Simon Fuller na siyang lumikha ng reality phenomenon na American Idol, at siya ring dating manager ng grupong Spice Girls.

Lumipad siya patungong Hollywood para sa kanyang audition dito noong August 2017, at inanunsiyo ang kanyang pagkakapili noong November.

Dahil dito ay kinailangan munang mag-training ni Bailey sa Amerika at iwang pansamantala ang kanyang mga showbiz commitments, kabilang na rin ang kanyang love team with Ylona Garcia.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bailey noong nakaraang Linggo sa ASAP, agad naming kinumusta ang young actor na ngayon ay napabilang na sa mga masuwerteng Pinoy na nakapasok sa international showbiz scene.

“I’m feeling good, mabuti.

“It’s not really a vacation, I came here for work.

“Mayroon akong bagong endorsement.

“It’s good, ngayon we’re just training for this year.

“This year, we will be launched and yeah, I’m very, very excited.

“I feel very blessed and very happy that I represent the Philippines,” pagmamalaki niya.

PROUD OF FEAT. Kasamang nag-audition ni Bailey May para dito ang kapareha niyang si Ylonna Garcia, at ang ibang young stars na sina AC Bonifacio at Jane de Leon.

Pero sa dami ng mga nag-audition ay si Bailey lang ang napili na representative mula sa Pilipinas.

Tinanong namin ang young actor kung hindi ba siya kinabahan during the audition?

Pag-amin niya, “I wasn’t really kinakabahan.

“I was like I have to give my all, for myself and for my country.

“I looked at it as an opportunity.”

ENJOYING HIS TRAINING. Masaya namang nagkuwento sa amin si Bailey na kasundo niya ang lahat ng kanyang kagrupo sa Now United.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “We get along so much, we hang out everyday, we’re always together. We get along too well.

“Training? Medyo mahirap pero masaya.”

OPEN COMMUNICATION WITH YLONA. Marami sa mga fans ng tambalan ng love team nila ni Ylona Garcia na BaiLona ang nalungkot dahil sa pagkakapili ni Bailey bilang miyembro ng Now United, na siya namang naging dahilan na pagkabuwag ng kanilang loveteam.

Bagamat hindi sila gaanong nagkikita nang madalas, sinabi naman ng batang aktor na tuloy pa rin ang komunikasyon nila ng dating kapareha.

Aniya, “Yeah, she talks to me on Instagram. She comes to my place and stuff.

“She has a new teleserye coming out soon. We just met in ASAP Chillout.

“She’s my friend two, three years now. She’s a friend.”

BAILONA NO MORE? Hiningan din namin ng reaksyon si Bailey kung ano ang mararamdaman niya kung saka-sakaling ipareha na sa iba si Ylona.

“Be my guest,” pakli niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN