Joshua Garcia reveals movie, TV projects with Julia Barretto this year

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia on forthcoming movie and TV projects with love team partner Julia Barretto: "Excited na kaming magkatrabaho uli. Sobra kasi malapit sa akin yung pelikula, napakaganda ng istorya, very unique. I'm excited dun sa movie saka yung soap. Maganda yung istorya, malalim. Yun ang gusto ko."


Pinakilig na naman ng tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto—na tinatawag na JoshLia—ang kanilang libu-libong social media fans dahil sa romantic candlelit date nila noong January 26.

Pinost ni Julia sa kanyang Instagram account ang larawan ng kapareha na may caption na, “This is him happily telling me that he has a strong core but he has no abs. He looked so happy, I couldn’t help but take a photo. I missed this guy.”

Sa Instagram stories naman ni Joshua ay pinost nito ang larawan ni Julia habang nagde-date sila.

Pero nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa ASAP noong nakaraang Linggo tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Julia, consistent pa rin si Joshua sa pagsagot na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila nilalagyan ni Julia ng label ang kanilang relasyon.

Ipinangako naman niyang sa oras na may dapat na silang aminin ay hindi nila ito itatago sa publiko.

Pagkumpirma ni Joshua, “Wala, wala pa ring label, ganun pa rin yun.

“Happy. Tulad ng mga sabi namin sa mga presscons namin, kapag ready naman kami, sasabihin naman namin.

“Di naman namin itatago sa inyo. Bakit naman kami magtatago, di ba?

“Pag ready na kami, sasabihin namin.

“We’re still dating, masaya lang kasi kami, ine-enjoy namin yung buhay, di kami nagmamadali.”

JAPAN TRIP. Kinumusta din namin kay Joshua ang Japan trip nila ni Julia kunsaan kasama nila ang pamilya ng aktres.

Lahad niya, “Masaya, masaya yung Japan namin.

“Kasi malamig, malamig yung lugar, very relaxing sa Niseko, pang-turista siya.

“Makikita mo dun iba’t ibang lahi.

“Idea ni Julia yun, nagtiwala ako sa kanya.

“Grabe! Higit pa dun sa expectations ko. Four days kami dun.”

MOVIE AND TV PROJECTS. Tiyak na ikatutuwa rin ng JoshLia fans ang balitang isang pelikula at isang serye ang pagtatambalan nina Julia at Joshua ngayong 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya pa rin kami sa buhay namin, sa mga blessings na dumarating.

“Lalo na ngayon, may pumasok na bagong pelikula at soap.

“Excited na kaming magkatrabaho uli.

“Sobra kasi malapit sa akin yung pelikula, napakaganda ng istorya, very unique.

“I’m excited dun sa movie saka yung soap.

“Maganda yung istorya, malalim. Yun ang gusto ko,” pahayag niya.

GOOD RATINGS. Positibo ang feedback at mataas din ang ratings ng seryeng The Good Son, at dahil dito ay nagpapasalamat si Joshua sa mainit na pagtanggap ng publiko sa pinagbibidahang serye.

Aniya, “Yes, sobrang saya ko sa mga kasama ko na cast dahil sa mga natatanggap naming papuri ng mga tao.

“Yung ratings masarap sa pakiramdam na 20 percent, 19 percent. 

“Sana patuloy lang na abangan ng mga tao.

“Pag may na-miss ka kasing episode, malaki ang nawawala sa iyo kaya dapat nakatutok lang talaga."

NO SAPAWAN ISSUES. Pare-parehong kinakikitaan ng husay sa pag-arte ang mga artistang kasama sa The Good Son, at siniguro ni Joshua na walang sapawang nangyayari sa cast members.

Mabilis niyang tanggi, “Ay wala, wala.

“Kami kasi, may sari-sarili kaming eksena, kada isang week.

“Week ni Jerome [Ponce], week ni Nash [Aguas], week ni McCoy [de Leon], tapos si Mr. John Estrada.

“Ako, susunod na yung akin, isyu-shoot na namin this week.

“Katatapos lang namin sa week 13, week 13 na kami.

“Week 14, istorya ko naman.”

SIMILARITIES TO LLOYDIE'S ACTING? Sa isang naunang interview namin kay Joshua ay nabanggit nito na nag-e-effort siyang mailayo ang acting niya sa istilo ng pag-arte ni John Lloyd Cruz, lalo’t marami ang nagsasabing bukod sa malaking pagkakahawig nila ay halos pareho rin ang acting nila ni John Lloyd.

Tinanong namin si Joshua kung nagagawa na ba niya ito ngayon sa mga current projects niya.

Pag-amin niya, “Di ko alam, e.

“Siyempre, mga tao ang nakakakita nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, basta maging natural lang yung eksena ko, anuman ang maging judgement nila sa acting ko, sila magsasabi nun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN