Celebrities mourn death of acclaimed film and TV director Maryo J. delos Reyes

IMAGE Courtesy of Benjamin Alves on Twitter, Roselle Monteverde and Rodjun Cruz on Instagram

Film/TV director Maryo J. delos Reyes passed away on Saturday night, January 27.


Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga celebrities at kasamahan sa industriya sa pagpanaw ng batikang film at TV director na si Maryo J. delos Reyes.

Pumanaw kagabi, January 27, ang direktor matapos atakihin sa puso sa isang party sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte.

GMA-7. Kabilang sa mga naunang nagpahayag ng kanilang pakikiramay ang ang mga Kapuso stars na sina Dennis Trillo, Benjamin Alves, Janine Gutierrez, Jerald Napoles, Jeric Gonzales, Gabbi Garcia, Analyn Barro, at Rodjun Cruz.

Si Maryo ang namahala at nagdirek ng ilan sa Kapuso series, kabilang ang Someone to Watch Over Me (2016), Magkano Ba ang Pag-ibig? (2013), Munting Heredera (2011), Rosalinda (2009), at marami pang iba.

Isa rin si Direk Maryo sa mga nagsasanay sa mga Kapuso stars, bilang consultant ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.

A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on

OTHER CELEBS. Ilang artista ring nakatrabaho ni Direk Maryo sa iba't ibang proyekto ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw nito.

Sa isang tweet, sinabi ni Alessandra de Rossi na nais pa sana nitong yayain ang direktor na gumawa ng pelikula ngunit hindi na niya ito agad nasabi.

Tweet nito, "Yung taong te-text ko dapat kahapon para yayain gumawa ng movie minsan lang.. pero naghesitate pa ako... paalam Direk Maryo! Mahal na mahal ka namin."

Nagpasalamat naman ang dating Kapuso star na si Sarah Lahbati sa tiwalang ibinigay daw ng direktor sa kanya, lalo nang nagsisimula pa lang si Sarah sa industriya.

Matatandaang si Sarah ang grand female survivor ng Starstruck V noong 2010, kung saan isa sa mga naging hurado ay si Direk Maryo.

Tweet ni Sarah, "Sa unang director na naniwala sakin, nagtiwala at nag guide sakin bilang baguhan, maraming salamat."

Nakiramay rin ang mag-inang Maxene at Pia Magalona sa pagpanaw ni Direk Maryo. Nakatrabaho ni Maxene si Direk Maryo sa pelikulang Happily Ever After (2005).

Ang yumaong ama nito na si Francis Magalona ay nakatrabaho rin si Direk Maryo para naman sa pelikulang Bagets 2 (1984).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinalungkot rin nina Sharlene San Pedro, Ruffa Gutierrez, at Kakai Bautista ang biglang pagpanaw ng direktor.

COLLEAGUES. Itinuturing naman ng film/TV director na si Jun Robles Lana na isa sa mga mentor niya si Direk Maryo. 

Sabi nito sa Twitter, "Hindi lang isa sa pinakamagaling na direktor at kwentista ng industriya si Direk Maryo. Napakabuting tao rin.

"Isa siya sa mga unang nagbigay ng break sa akin na makapagsulat sa pelikula. Kaibigan. Mentor. Hinding hindi kita malilimutan, Direk."

Inilista naman ni Direk Joey Reyes ang mga ma-mimiss niya kay Direk Maryo sa pagpanaw nito.

Tweet nito, "Maryo J’s infectious laughter & love for life will never be forgotten. His greatest film is the collection of memories he left to inspire us about embracing each day with excitement & gratitude. Goodbye, dear friend."

Ipinahayag din ng talent manager na si Angeli Pangilinan at Regal Films executive na si Roselle Monteverde sa social media ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni Direk Maryo.

Nakikiramay ang buong PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naulila ni Direk Maryo J. delos Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN