Katrina Halili recalls fondest moments with late film/TV director Maryo J. delos Reyes

IMAGE @katrina_halili on Instagram

GMA-7 actress Katrina Halili expressed her gratitude to the late film and TV director Maryo J. delos Reyes for guiding her all throughout her showbiz career.


Isang taos-pusong mensahe ng pasasalamat ang ibinahagi ng GMA-7 actress na si Katrina Halili sa kanyang Instagram account kanina, January 28, para sa yumaong batikang film at TV director na si Maryo J. delos Reyes.

Nitong nakaraang Sabado ng gabi, January 27, sumakabilang buhay si Direk Maryo sa edad na 65, matapos atakihin sa puso sa isang party sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Ilang litrato nilang dalawa ang in-upload ni Katrina sa kanyang Instagram account bilang pag-alala sa yumaong batikang film at TV director.

Ang mensahe ni Katrina, "Direk Maryo thank you sa lahat, 2008 tayo nagkasama at nagka kilala, simula nun minahal ko na po kayo

"Sobrang sweet nyo po sa akin, tuwing umaalis ka May pasalubong ka sakin, kinikilig po ako at sobrang natutuwa, kaya tuwing break tumatambay ako sa tent mo, nagkkwentuhan, nagtatawanan.

"Halos taon taon kasama ko po kayo sa show 2008-2014 kayo po ang unang tumatawag sakin para sabihin na tanggapin ko, na sobra po akong natutuwa, makuha ko man yung project o hindi,

"Basta Alam kong gusto nyo po akong makasama, sobrang blessed ko na po."

Maituturing na isa sa pinakapaboritong direktor ni Katrina si Direk Maryo.

Ilang beses na ring nakatrabaho ni Katrina si Direk Maryo simula nang makilala niya ito nung 2008.

Kabilang sa mga Kapuso drama seryes kung saan nakatrabaho niya ang pumanaw na direktor ay ang Niño (2014), Magkano Ba ang Pag-ibig? (2013), Munting Heredera (2011), Rosalinda (2009), Obra (2008), at Magdusa Ka (2008).

Kaya naman sa pagpapatuloy ng kanyang mensahe ay nagpasalamat si Katrina sa pag-gabay ni Direk Maryo sa kanyang trabaho at maging sa personal na buhay.

Patuloy ni Kaatrina, "Napakaswerto ko na makasama ko kayo sa trabaho, at makilala ng personal

"Marami pong Salamat sa guidance, Hindi lang sa trabaho Pati sa personal na buhay, sa sobrang pagmamahal ko po sa inyo, kahit saan mo ako ayain, sumasama ako,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mamimiss kita direk at tuwing umiinom tayo, sobra akong nalalasing sa sarap ng kwentuhan natin, tapos lagi tayong natatapos ng umiiyak, dahil sinasabi natin kung gaano natin kamahal ang isat isa, lagi akong naiiyak dahil sobra ang tiwala mo sakin,

"Isa ka sa mga angel ko direk, salamat po???? mamimiss po kita, mahal na mahal po kita direk..???????????? #ripdirekmaryoj"


Stories We Are Tracking

Sharmaine Arnaiz remembers kindness of Maryo J. delos Reyes
Sharmaine Arnaiz remembers kindness of Maryo J. delos Reyes
Celebs, colleagues mourn death of Direk Maryo
Celebs, colleagues mourn death of Direk Maryo
Maryo J. delos Reyes passes away at 65
Maryo J. delos Reyes passes away at 65


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN