Sharmaine Arnaiz remembers kindness of Maryo J. delos Reyes

IMAGE Sharmaine Arnaiz's Facebook page

Sharmaine Arnaiz, seen here with Director Maryo J. delos Reyes and veteran actress Luz Valdez, says Direk Maryo J urged her to return to acting despite her long absence from showbiz.


Tagos sa aming puso ang post ni Sharmaine Arnaiz kaninang umaga sa Facebook, “Remembering your kindness and how you believed in me just makes the tears fall off my face.

“Maga na mata ko kakaiyak. Wished I hugged you tighter sa presscon ng Sherlock Jr. Wished I told you how much I appreciate you.

“Salamat lang sa lahat, Direk Maryo J. de los Reyes.”

Kami nina Gorgy Rula, Roel Villacorta, at Pilar Mateo ang nag-iinterview kay Sharmaine sa presscon ng Sherlock Jr. noong Monday night sa Cities Events, Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City, bago ito lumapit kay Direk Maryo J para magpasalamat.

Sinabi sa amin ni Sharmaine na napakabuti sa kanya ni Direk Maryo J, na ito ang nagtiwala sa kakayanan niyang makabalik sa pag-aartista.

Napakaraming papuri ngayon kay Direk Maryo sa social media, pero nangibabaw sa amin ang pagpupugay ni Sharmaine rito noong buhay pa ang direktor.

Nag-private message kami kay Sharmaine at inusisa kung ano nga ba yung TV show na dinirek ni Maryo J na nagsilbing comeback niya.

Ang reply ni Sharmaine, “2011 yun, sa Munting Heredera. Nagkita kami sa isang art show, kasama ko Tita Bibsy [Carballo] and he said, ‘Bumalik ka na, Sharmaine.’

“Sabi ko, ‘Direk, tagal ko na masyado nagpahinga, 'di na 'ata ako makakabalik.’

“He kept saying, ‘Ako ang bahala sa ‘yo, sayang ang talent mo, etc!’

“I thought he was just being nice but in a week, his show called me na...

"He also invites me to his parties.

“He never asked for anything and always asked about Bunny [Paras]. Kasi, bata pa kami ni Bunso lagi niya kaming nadidirek sa mga shows niya before. I forgot the name yung medyo action pa nga ang theme na crime show.

“Sabay pa kami ni Bunny na kinuha niya before.

“When I saw him sa presscon, I hugged him and smiled at him. He was all smiles at me and said, ganda ng trailer na scenes ko and was happy for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puro siya papuri lagi. Parang tatay.

“Di ko mapigilang lumuha ngayon.

“Each moment is a gift and should not be taken for granted...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN