Liza Soberano dreams of working with Selena Gomez

IMAGE Nerisa Almo

Liza Soberano explains why she doesn't know any of the more popular Korean stars like Song Joong Ki and Park Bo Gum: "Hindi kasi ako nakakanood ng TV nowadays, so hindi ko kilala yung Korean stars."


Aminado si Liza Soberano na hindi siya updated tungkol sa Korean stars na kinahuhumalingan ng maraming Pinoy ngayon.

Sa ginanap na contract-signing event para sa iniendorso niyang Domino's Pizza kahapon, January 27, ipinakita rin ang limited-edition pizza box na tampok ang larawan ng Kapamilya actress.

Dahil dito sinabi sa kanya ng mga naimbitahang reporters at bloggers na ka-level na niya ang Korean actors na sina Song Joong Ki at Park Bo Gum.

Naging matunog ang pangalan ng dalawang Koreano sa maraming Pilipino dahil ipinalabas noong nakaraang taon lang dito sa bansa ang kanilang mga Koreanovela.

Si Song Joong Ki ang bidang aktor sa Descendants of the Sun, na ipinalabas sa GMA Network.

Si Park Bo Gum naman ang bida sa Love in the Moonlight, na ipinalabas sa ABS-CBN.

Ang parehong aktor ay naging tampok din sa special edition ng pizza box ng Domino's Pizza.

Sa kabila ng pagiging matunog ng mga Korean actors dito, sinabi ni Liza, “Well, actually, I don't know them po.”

Nahihiyang sabi pa niya, “Hindi kasi ako nakakanood ng TV nowadays, so hindi ko kilala yung Korean stars.

"Yung sa U.S. hindi ko rin kilala, sorry.”

Pero kung mabibigyan daw siya ng pagkakataong makilala o makatrabaho silang dalawa, labis daw itong ikatutuwa ng Bagani actress.

“If ever I were given an opportunity to work with any international artist, actor or whatever, I'll feel very excited.

“Siyempre, parang honored naman ako to work with anyone as big as them,” sabay ngiti ni Liza.

Nang tanungin kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho na international star, mabilis at may kilig niyang sinabi, “Si Selena Gomez. Sana kunin nila siya.”


Stories We Are Tracking

Liza Soberano gets up close with Selena Gomez
Liza Soberano gets up close with Selena Gomez


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN